Saturday , November 16 2024
arrest posas

Estudyante sa Vale, timbog (Sa pagpatay sa 17-anyos)

NAARESTO ng mga kagawad ng Valenzuela City Police ang pang-anim na suspek sa pagpatay sa 17-anyos Grade-9 student sa naturang lungsod noong 19 Hunyo 2019.

Kinilala ang suspek na si Darryl Dela Serna, alyas Teroy, 25 anyos, naaresto ng mga operatiba ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre sa Barangay Casinglot, Tagoloan Misamis Oriental.

Si Dela Serna ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 75 noong 9 Setyembre 2019 para sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa.

Ayon kay P/Lt. Aguirre, nauna nang naaresto ang limang suspek na kinilalang sina Benjamin Diaz, Adrian Ulile John Rey Olile, pawang 18-anyos, at dalawang menor na edad 14, at, 16 anyos.

Ani P/Lt. Aguirre, kabilang ang anim sa mga suspek sa pagpatay sa biktimang si Gio Lawrence Balajadia, 17, matapos pagsasaksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa Barangay Veinte Reales noong 19 Hunyo 2019 na nag-viral pa sa social media.

Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang natitira pang mga suspek.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *