Saturday , November 16 2024
dead gun police

Driver itinumba ng tandem

PATAY ang isang driver matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo habang nakikipag-inuman sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on-the-spot ang biktimang kinilalang si Luisito Villarruz, 45 anyos, residente sa Block 42 Lot 5 Palmera Spring II, Celerina St., Brgy. 173, Congress, ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 9:30 pm, kainuman ng biktima ang saksing hindi nabanggit ang pangalan sa labas ng kanyang bahay sa Celerina St., nang dumating ang mga suspek na sakay ng isang kulay itim na Yamaha NMAX.

Bumaba ang back rider na may hawak na baril at walang sabi-sabing pinagbabaril sa katawan ang biktima na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksiyon habang humingi ng tulong ang saksi sa mga awtoridad.

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkaaresto sa mga suspek habang inaalam ang motibo sa insidente.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *