AYAW na ayaw ni Abby Viduya na makisawsaw sa issue ng kanyang boyfriend na si 1st District of Parañaque Councilor, Jomari Yllana, sa ina ng dalawang anak nito na si Joy Reyes.
Kaya nga sa kabila ng walang puknat na tawag, text messages, at paghiling ng interview sa kanya hanggang sa kanyang manager, nananatiling tahimik lang ang aktres na nagbabalik na rin sa pag-arte sa harap ng kamera.
Recently, sumalang na siya sa taping ng Pepito Manaloto sa GMA-7.
“Yes, we had to undergo all the health protocols. And ‘yun nga, noong ‘Bubble’ taping na, nasa isang lugar lang kami. I taped for one day lang.
“I played the role of Arra San Agustin’s mother. Then most of my scenes were with Manilyn (Reynes) and Mosang.
“I was so touched kay Manilyn kasi ang naalala niya sa akin was that time when my manager brought me to see her kasi fan na fan niya ako. Imagine that, naalala pa niya. I had a good time working with them.”
At kapag nasa bahay na siya, Reyna siya ng Kusina.
“Kilala mo naman ang Papa Joms mo, mahilig talaga kumain. Usually, gusto niya trying out different restaurants. But with the pandemic now, takot na takot na rin siya maglalabas. Kaya sa bahay, luto-luto lang.”
Nabuwisit lang si Abby when she received a call days ago from her sister-in-law na kasama ng mga anak niya in Canada.
“This girl, has the nerve talaga na pati pamilya ko guluhin. Kasi, ang dami raw press na tumatawag sa ex ko para magsalita. Ano naman ang kinalaman niya sa gulo nitong girl na ito. Paano makukuha their numbers kung hindi rin siya ang nagbigay? Please, nananahimik sila roon in Canada at ayaw nila makigulo sa ‘yo kaya pwede ba, asikasuhin mo ang mga anak niyo. Huwag mo kami, me and my family in Canada idamay sa gulo mo!”
Maligaya si Abby sa piling ni Jomari ngayon. Hinayaan pa siya ni Jom na magkaroon ng sarili niyang business.
“May times na we go out of town for this vlog he started that has something to do with his racing, cars and stuff. Usually, in his hometown in Bicol kami nag-i-stay para nakakauwi rin si Mommy and the rest of the family. Yes, lahat nag-a-undergo ng health protocols. As long as tapos and maayos his work in his desk sa office niya.”
May nai-insecure lang ba sa kanya, ganoon?
Malapit na ang Valentine’s! Ano kaya ang wish niyang iregalo sa kanya ni Jom?
“Basta ayaw namin ng PEKEnese! Hahahaha!”
Whatever that is!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo