Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine Eugenio, type dalhin sa heaven ang kanyang lover

PALABAN at walang arte sa hubaran ang magandang newbie actress na si Maine Eugenio. Bukod sa taglay na beauty, siksik sa sex appeal at kaseksihan ang tisay na aktres.

Si Maine ay dating member ng EB Babes at nasa pangangalaga ngayon ng talent manager na si Meg Perez.

Nakatakdang gumawa si Maine ng isang super-seksing pelikula na pamamahalaan ni Direk Joel Lamangan.

Kuwento ng aktres, “Ang direktor ng movie na ito is si Direk Joel Lama­ngan. Ang project is under GodFather Production ni Joed Serrano, ito ‘yung sequel ng Burlesk Queen noon na ngayon is Anak ng Burlesk Queen.”

Aminado siyang game na game sa pagpapa-sexy at itinuturing niyang challenging ito.

Lahad ni Maine, “Sobrang game ako sa ganyan, hehehe. Well, nasa tamang age naman na ako to do that and I believe there’s nothing wrong sa mga daring role.”

Nakangiting wika pa niya, “Actually mas challenging siya, kasi hindi naman lahat kayang gawin ang sexy or daring role.”

Ano ang kanyang limitations sa paghuhubad sa pelikula?

Tugon ni Maine, “Well, game akong magpakita ng butt ko sa movie. Pagdating naman sa limitations, wala akong limitations, basta wala lang frontal nudity.”

Prior to this, nakagawa na siya ng isang pelikula. Pakli niya, “First movie na nagawa ko is ‘yung Cuddle Weather directed by Rod Marmol. Ang role ko rito is old friend na pokpok ni Sue Ramirez.”

Sino’ng mga artista ang wish niyang makatrabaho?

Aniya, “Sina Jaclyn Jose, Eula Valdez, Cherie Gil, Jean Garcia, Nora Aunor, Vilma Santos, Kim Molina… feeling ko kasi ay marami akong matututuhan sa kanila. Based sa mga napanood ko sa kanila, ang galing nilang umarte, effortless kumbaga. Sa totoo lang, iyon ‘yung gusto kong matutuhan talaga.”

Ano’ng klase siyang girlfriend, paano siya kung magmahal?

“Well, maalaga ako as GF and clingy, basta wala lang topak, hahaha!

“Paano ako mag­ma­hal…? Lahat ibinibigay ko, gusto kong ipinararanas sa partner ko ‘yung feeling na nasa heaven siya, para hindi na siya humanap o tumingin pa ng iba.”

Ano ang wish niyang mangayari sa kanyang showbiz career?

“Well, ang wish ko lang sana ay ito na sana ‘yung pinto na magbubukas sa akin sa mundo ng showbiz.

“Bata pa lang kasi ako ay pangarap ko na ito, I am not praying na maging sikat… Kontento na ako na magkaroon ng maraming projects, kahit secondary role or extra lang, as long as I am happy sa pagpasok sa mundo ng showbiz,” nakangiting pahayag ni Maine.

Ano ang mapi-feel niya kapag nalamang pinagpapantasyahan siya ng mga kalalakihan?

“Well it’s a pleasure for me kung pag­papantasyahan nila ako. Kasi for sure, makatutulong ako sa kanila, lalo sa panahon na need nilang maglabas ng kanilang mga enerhiya, hahaha!

“So, I’m happy to help sa mga barakong nangangailangan ng tulong ko,” nakatawang sambit pa ni Maine.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …