Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joed, pagsasamahin sina Maricel at Sharon ipagpapatayo rin ng superstar resto si Nora

TILA naisasakatuparan na ng Mega Producer na si Joed Serrano ang dasal niyang, “to be greater so I could serve God & be a blessing to much more people.”

Nagkaroon na kasi ng story con ang isa sa napakarami niyang project, ang Kontrabida na pagbibidahan ni Nora Aunor. Ipalalabas na rin ang much-awaited Anak ng Macho Dancer.

“Ang daming naglalaro sa utak ko na pwede kong magawang projects. Uunahin ko muna alongside with my life story itong kay Mama Guy. Umiiral ang pagka-fan ko,” ani Joed sa presscon ng Anak Ng Macho Dancer na ginanap sa Annabel’s Restaurant.

Ang plano pala talaga ni Joed ay pagsamahin muli sina Nora at Vilma Santos. ”Okay naman kay Mama Guy. Pero dumating itong Adolf Alix and Jerry Gracio project na si Wendell Ramos naman ang naglapit sa akin. Mabilis lang ang mga pangyayari.

“So, let’s keep our fingers crossed. Marami pa ‘yan. There will always be a way for things to happen.”

At ang isa pa sa gusto niyang mangyari ay pagsamahan din sina Maricel Soriano at Sharon Cuneta. ”I just want to do more films. A movie with Sharon (Cuneta) and Maricel (Soriano). Sana, mapagsama ko rin sila. ‘Yan ang mga dream ko. Masaya lang ako na at this point, marami na ang blessed to have work. Nasa pandemya tayo pero nakatutulong pa rin tayo para umayos ang buhay ng mga tao.”

At bukod sa pagiging producer, gusto rin niyang bigyan ng restoran si Ate Guy na ang ipapangalan ay Supertar.

“’Yung mala-Hard Rock Café ang dating. Where ‘yung iba pa niyang memorabilia will be housed. Nakita ko sa mga sine-share ng fans kay direk Adolf sa mga kailangan niya for the movie, ang dami pa pala. And siyempre, hindi mawawala roon ‘yung collection of her prestigious awards. Para naman makita, hindi lang ng mga kababayan nayin, kundi ng mga turista o taga-ibang bansang kakain at tatapak doon.”

Ilan lamang ito sa mga gustong gawin ni Joed at marami pa siyang plano sa buhay. For the meantime, watch muna ng Anak ng Macho Dancer sa January 31 sa KTX.PH.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …