Saturday , November 16 2024

B-day ni Willie Revillame, sablay sa ‘social distancing’ QCPD sinisi ni Belmonte

HINIHINTAY na ni Mayor Joy Belmonte ang paliwanag ng Quezon City Police District (QCPD) kung bakit hindi napigilan ang pagdami ng tao sa labas ng Wil Tower Mall kung saan ginanap nitong Miyerkoles ang kaarawan ng  TV host na si Willie Revillame.

Ayon kay Belmonte, nais niyang malaman ang panig ng mga pulis kung paanong walang crowd control ng PNP sa naturang lugar gayong bawal ang mga social gathering.

Base sa mga naka­rating na ulat sa tang­gapan ni Belmonte, may­roon umanong nanghika­yat sa isang Facebook account na mamimigay ng pera si Revillame sa labas ng kanyang Mall kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-60 kaarawan kahapon.

Sabi ng alkalde, hihintayin niya ang police report bago siya magla­bas ng kanyang desisyon tungkol dito.

Bago ang kaarawan ng TV Host, nagpaalam siya sa alkalde na maglagay ng crowd control ng PNP sa naturang lugar dahil alam ng kanyang mga tagaha­nga na sasapit ang kan­yang ika-60 kaarawan.

Agad inatasan ng alkalde ang QCPD na maglagay ng mga pulis sa lugar upang ipagbawal ang pagdagsa ng mga tao ngunit hindi pa rin napigilan ang pagdagsa ng mga tagahanga ng aktor/host.

Sinabi ni QCPD Director, P/Gen. Danilo Macerin, hindi totoong walang pulis sa lugar bagkus inabot pa nga hanggang 4:00 am ang Station Commander ng Kamuning Police Station para pangunahan ang pagpapauwi sa mga taong dumagsa roon.

Paliwanag ng opisyal, kung hindi  nakontrol ng mga pulis ang mga tao ay posibleng mas malaking bilang pa ang dumagsa doon ngunit dahil sa koordinasyon ng mga pulis ay napigilan ang pagdami nito.

Kaugnay nito, inatasan ni Quezon Belmonte ang contact tracing team na hagilapin ang lahat ng mga fans ni Willie Revillame na nagtungo sa labas ng mall sa Sgt. Esguerra Avenue, Brgy. South Triangle.

Ito ay upang isailalim sa RT-PCR test ang mga nagtungong fans ng TV host para alamin kung nagkaroon ng hawaan ng CoVid-19.

Nakikipag-ugnayan na rin ang alkalde sa sekretarya ni Revillame para tulungan ang lokal na pamahalaan na manawagan sa fans na kusang magtungo sa City Hall para sumailalim sa swab test.

Nais ni Belmonte na matiyak ang kaligtasan ng mga dumagsang tagahanga ng aktor sa labas ng Will Tower Mall na umasang mabibigyan ng tulong pinansiyal.

Si Revillame ay nagdi­wang nitong Miyerkoles ng kanyang ika-60 kaarawan na dinagsa ng kanyang mga manonood na umaasang maaambu­nan sila ng pera o regalo.

(A. DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *