NANGHIHINAYANG si Regine Velasquez na hindi natuloy ang plano sanang guesting niya sa action-serye ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano.
Two years ago nang imbitahan siya ni Coco para makasama sa Ang Probinsyano. Hindi niya napagbigyan ang imbitasyon dahil sa sunod-sunod na commitment.
Aniya, ”Naging busy na po kasi ako, nag-concert pa ako with Ate Sharon (Cuneta). Kaya talagang hindi ko nagawa. Sayang ang ganda pa naman ng story niya (Coco) sa akin. But who knows baka pwede pa rin.”
Natanong si Regine ukol sa FPJAP dahil may balitang siya ang magiging doctor ni Coco ngayong nakaratay siya sa ospital dahil sa pagkakatambalang sa kanila. ”Magiging doctor? Naku kailangan kong mag-aral ng medicine,” pagbibiro ni Regine.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio