Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Gestapo’ ng Parañaque dapat panagutin sa pandarahas

MINSAN kung sino ‘yung inaasahang sasagip sa maliliit na mamamayan, sila pa ang mapanupil.

Gaya na lang nitong pasikat na limang miyembro ng ‘Gestapo’ este Parañaque Task Force na kung makabitbit ng kapwa nila ay parang baboy na isosoga sa katayan.

Ang trabaho raw ng Parañaque Task Force ay clearing operations. Tanggalin ang mga obstruction sa kalye.

Pero base sa video footages (buti na lang may nakakuha) hindi lang sila nagtataboy ng mga nakahambalang sa kalsada, tahasan din nilang sinasaktan.

Biktima ng 5 ‘gestapo’ si Warren Villanueva, na nangongolekta at nagbebenta ng basura bilang pinagkukuhaan niya ng kanilang kabuhayan.

Noong nakaraang Biyernes lang nangyari ‘yan. Kung bakit puwede namang kausapin, hindi kinausap kundi basta na lang binitbit na parang baboy.

Komo ba namumulot o naghahakot ng basura ganoon na lang ang pagtingin ng mga Task Force na ‘yan sa Parañaque?

Tao rin po si Warren na nagsisikap mabuhay sa malinis na paraan kahit nga mula sa ‘basura’ ang kanyang pinagkakakitaan.

Kahapon, sinabi ni Mayor Edwin Olivarez, pinatawan niya ng indefinite suspension ‘yung mga ‘gestapo.’

Sapat na kaya iyon?!

“Indefinite ‘yung suspension noong lima kasi hindi natin puwedeng konsintihin ‘yung mga ganoong abuse of authority pero magkakaroon tayo ng thorough investigation muna roon,” sabi ni Mayor sa interbyu niya sa TV.

Klaro naman pala ang patakaran ng lungsod.

Sabi ni Mayor, “Ang protocol natin no’n, bibigyan muna sila ng notice niyan. Kapag ‘yan talagang naka-fixed structure, bibigyan sila ng written notice. Kapag naman sa mobile naman, ‘yung mga talagang parang may gulong e pinagsasabihan muna natin sila na mismo ang magtanggal.”

Ayon naman kay Warren, nagalit sa kanya ‘yung ‘gestapo’ kasi ayaw niyang ibigay ‘yung laman ng kariton kasi nga kailangan niya iyon para maipagbili niya at kumita.

“‘Yung kariton na nakita sa video na inagaw ko, ‘yun po ‘yung pinagpapatungan ng basura tapos inaano ko, kaya po umabot sa ‘pag ganon kasi gawa ng nasa private property na namin, hindi na dapat nila kunin,” pahayag ni Warren.

Wattafak!

Nasa loob na pala ng bakuran nila, bakit aagawin pa?

Sabi pa ni Warren: “Sana medyo ano lang, hindi naman ‘yung marahas na alam naman na galing tayo ng pandemic tapos ganon, do’n lang tayo kumukuha ng kinabubuhay natin tapos bigla bigla silang susulpot mang-aagaw ng paninda, mang-aagaw ng gamit.”

Arayku! Kurot sa puso ‘yun. Mantakin ninyo, grabe mang-agaw ng paninda ‘yung mga ‘gestapo?’

Sabi ni Mayor Olivarez, suspendido na raw ‘yung lima pero hanggang ngayon hindi nila inilalabas sa publiko ang mga pangalan ng ‘limang kamote.’

‘Yung lima raw po ay maaaring maharap sa mga kasong “grave abuse of authority” at “conduct unbecoming of a public official.”

Sana lang po ay masampahan nga ng kaso para naman huwag na nilang ulitin ang pandarahas sa kapwa.

Hoy limang kamoteng Gestapo, hindi lang kayo ang Parañaque citizen!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *