ITINUTURING ni John Rendez na malaking bahagi ng kanyang buhay ang musika. Parang kulang ang pagkatao ni John kapag hindi siya nakakakanta. In fact, nagko-compose siya ng mga awitin na inihahanda para sa gagawing album. Pero bago iyan ay mga single muna ang kanyang ginawa.
May bagong single ang singer-rapper na si John na ang hatid na mensahe ay pagiging isang superhero sa puso. Pinamagatang Not Superman, ito’y mula sa Star Music na mapapakinggan na simula sa Biyernes (January 29).
Isinulat at ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo, ang alternative pop track ay inilalarawan ang mga mala-superherong pagsisikap ng mga tao na makatulong sa kanilang kapwa, sa kabila ng maraming limitasyon.
Bida sa kanta ang baritone na boses at rapping skills ng Star Music artist na si John, na kaiba sa tema at tunog ng 2019 single niyang Think About It.
Sa parehong taon din nang manalo siya ng PMPC Star Award for Folk/Country Recording of the Year para sa debut single niyang Star All Over Again na isinulat at ipinrodyus din ni Jonathan sa ilalim ng Star Music.
Sa kabila ng pandemya, inspirado at busy si John sa pagpo-promote ng latest single niyang Not Superman.
Paano niya ide-describe ang kanyang new single? Bakit Not Superman ang title? ”It’s a song about heroes,” pakli ni John.
Aniya, “It has relevance. Lahat sila, they have something in common, may commonality. Even though they’re slightly different genres kasi ‘di naman ako stick to one genre. Di naman ako puro love songs, kukuha ako sa rapper, kukuha ako ng country song… Kasi today’s music, walang genre, it’s all – how do you say it, Millennial music? It all sounds the same to me e.”
Nang matanong kung sino ang superhero ng buhay niya, sinabi ni John na ito’y si Ms. Nora Anor. “Malaki ang utang na loob ko riyan. She showed me how to be a friend. She gave me the chance, she gave me the break and the trust.”
Pakinggan ang Not Superman ni John simula ngayong Biyernes (January 29) sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Abangan din ang official music video nito sa February 1 (Lunes) sa Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio