Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sean de Guzman, flattered sa magandang publicity ng Anak ng Macho Dancer

Sa mga independent movie producers, pinaka­bongga siguro ang Godfather Production ni Joed Serrano.

Imagine, hindi pa naipa­lalabas ang Anak ng Macho Dancer pero sandamak­mak na ang publicity nito, specially so coming from the social media.

Habang nagsu-shoot ito, walang tigil talaga ang release ng write-ups kaya by now, very much popular na ang pangalan ng lead actor na si Sean De Guzman, pati na ang kanyang young male support na gumaganap na mga macho dancers.

Considering na baguhan palang, palaban na talaga sa hubaran itong si Sean. Pinaghandaan raw talaga niya at ibinigay niya ang lahat-lahat sa pelikula.

Anyhow, dahil sequel raw kaya may dating na ang kanilang pelikula dahil pre-sold na kumbaga at very impressive ang trailer.

Ito kasing pelikula nila, makatotohanan talaga ang pagkakagawa. Makare-relate ang mga taong makapanonood nito.

Aminado siyang wala na raw makatatalo sa orig, pero itong movie nila hindi lang pang­bastusan. May maganda rin itong kuwento na makare-relate ang nakararami.

Sa ngayon, nag-iisip na raw siyang bumili ng bahay para sa future ng kanyang pamilya.

Anyhow, how would their movie compare with the original Macho Dancer?

Sa anggulong comparison, aminado siyang wala naman daw makatatalo sa orig na Macho Dancer.

Pero itong movie raw nila, maraming twist at updated ang kuwento.

Hindi raw madi-disappoint ang mga tao dahil ginawa raw niya at ng kanyang mga kasama ang lahat ng kanilang makakaya para huwag ma-disappoint ang mga tao.

Sa eksenang tumatak nang husto sa kanyang isipan, ito raw ‘yung confrontation scene nila ng gumaganap niyang amang si Allan Paule.

Talaga raw ibinigay niya lahat-lahat sa eksenang iyon at napagod raw siya nang husto dahil sa emosyong kanyang pinakawalan.

So there!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …