Sunday , November 24 2024

Motorista ginagatasan ng DOTr, LTO sa PMVIC

MAGLULUNSAD ng noise barrage nationwide ang mga motorista dahil  ginagawa silang gatasan ng Department of Transportation (DOTr) at ng  Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng itinatag na monopolyadong Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVIC) na naging epektibo noong 29 Disyembre 2020.

Sa press concerence kahapon, sinabi ni Dr. Larry Pitpit, pangulo ng Clean Air Movement Philippines Inc., (CAMPI), pahirap sa motorista ang mga naunang itinatag na PMVIC na sinimulan sa Angeles City, Pampanga at Cabanatuan City sa Nueva Ecija, at ngayon ay mayroon na rin sa Metro Manila.

Aniya, ipinatupad ang PMVIC nang walang ginawang amyenda sa Republic Act 8749 o Philippine Air Act at ang mas pinakamatindi hindi  ito idinaaan sa public consultation kaya malinaw na maituturing na korupsiyon.

“The DOTr through the LTO has pushed through with the PMVIC signed its effectivity on December 29, 2020 amid the CoVid-19 pandemic. More or less 12,000 individuals in the private emission testing centers are gradually losing their jobs,” giit ni Pitpit.

Kasabay nito, nakatanggap ng mga reklamo ang CAMPI mula sa mga motorista na hindi nakapagparehistro gaya ng isang well-maintained 2014 BMW Z4 sports car dahil  sa weak brakes matapos makapagbayad ng P1,800 bilang PMVIC fee sa Pampanga.

“The owner and known Pampanga business leader, Rene Romero took his car to the BMW dealership in San Fernando City to check on the brake system. After thorough inspection, the BMW mechanics did not find anything wrong with it,” paliwanag ng Clean Air Act Advocate.

Sinabi ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) president Arsenio “Boy” Evangelista, pinag-aaralan na nila ang paghahain ng temporary restraining order (TRO) sa ipinatutupad na PMVIC.

“So we are calling all concerned agencies as well as the head of agencies to please have transparency,” apela ng VACC president. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *