Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

ARTA masugid na nagsusulong ng RA 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018)

SA PAGPASOK ng buwan ng Enero ngayong taon — masugid na isinulong ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), sa pangunguna ng kanilang Director-General, Atty. Jeremiah Belgica, ang pagpapatupad ng Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Ang konkretong realidad nito ay pagtatayo ng Business One Stop Shop (BOSS) ng bawat local government units (LGUs).

Sa pamamagitan ng ARTA on-site inspection team, nakalalahok si DG Atty. Belgica via Zoom conference.

Isa-isang itinatanong ni DG Belgica ang mga enkargado ng BPLO kung paano nila ipinatutupad ang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 (RA 11032).

Ito ‘yung batas na nagtatakda upang pataasin ang antas ng kahusayan ng BPLOs sa pamamagitan ng pagpapaikli ng proseso, tuluyang ‘pagwalis’ sa red tape, at pagpigil sa katiwalian sa loob mismo burukrasya.

BTW, happy “40th” birthday DG Belgica. Congratulations for another milestone in your life. Sabi nga, “life’s begins at forty,” kaya ang ibig sabihin marami ka pang mararating sa buhay.

Kaya nga mukhang bilib sa kanya sina Cabinet Secretary Karlo Nograles, DTI Secretary Ramon M. Lopez, UPPAF Regulatory Reform Support Program for National Development Dr. Henry Basilio, Department of Information and Communications Technology – DICT Undersecretary Manny Caintic, EODB-ART Advisory Council Private Sector Representative Peter Wallace, at Senator Bong Go.

Ipinahayag nila kay DG Belgica ang kanilang ‘bilib’ sa pamamagitan ng pagbati sa kanyang kaarawan.

Sabi nga ni DG Belgica: “They say that life begins at 40. In that case I would say that I am grateful to God for a blessed and meaningful start today. I could have not predicted where I am now or what I have gone through 5, 10 or 20 years ago, but one thing is for certain, ‘that God has worked out His plans intricately and deliberately.’ I thank Him for everything because He gave me more than what I could have asked for.”

Back to BOSS (Business One Stop Shop) ng LGUs, nabalitaan natin sa social media at sa ilang press releases ng LGUs na inumpisahan ninyo ang pagbisita para i-monitor kung paano nga ini-implement ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 (RA 11032) sa kani-kanilang teritoryo.

Uulitin po natin, ito ‘yung batas na nagtatakda upang pataasin ang antas ng kahusayan ng BPLOs sa pamamagitan ng pagpapaikli ng proseso, tuluyang ‘pagwalis’ sa red tape, at pagpigil sa katiwalian sa loob mismo burukrasya.

Kabilang sa mga nabisita na ni DG Belgica, ang Muntinlupa, Pasay, San Juan, Las Piñas, Antipolo, Mandaluyong, Caloocan, Valenzuela, at Makati.

At kung hindi tayo nagkakamali, nagpapatuloy pa ang ‘pagbisita’ ni DG Belgica sa iba pang BOSS ng LGUs para tiyakin ngang naipatutupad ang RA 11032.

Kahit via zoomed lang, nakita natin kung gaano kaseryoso si DG Belgica para gampanan ang kanyang tungkulin.

Palagay natin kahit via zoom ang ginawang inspeksiyon ni DG Belgica, ‘maaamoy’ niya ang kickbacks, tongpats, at iba pang uri ng katiwalian sa BPLOs — kung mayroon man.

‘Naamoy’ kaya ni DG Belgica ang matagal nang inirereklamong ‘insurance racket’ sa ilang LGUs?!

‘Yung ‘monopolyadong insurance’ na roon lang puwedeng pumunta ang mga nagre-renew ng kanilang business permits?

Pakibusisi lang po maigi DG Belgica dahil maraming palusot at nakalulusot dahil may nagpapalusot mula rin sa kanilang hanay.

Dahil kung hindi ninyo maaaresto ang ganyang klaseng katiwalian, nagmistulang basura lang ang RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Sabi nga ni Francisco Balagtas sa kanyang Florante at Laura: 

Kung ang isalubong sa iyong pagdating

Ay masayang mukha’t may pakitang giliw

Lalong pag-ingata’t kaaway na lihim

Siyang isaisip na kakabakahin.

Kaya DG Belgica, kaiingat sa mga opisyal ng BPLO na sumasalubong sa iyong pagbaba sa iyong sasakyan, na hanggang tenga ang ngiti at magiliw na magiliw.

‘Yun lang po.

Muli, happy birthday DG Atty. Jeremiah Belgica.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *