Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara, nagbalik-tanaw sa ginawang paghuhubad after every take, umiiyak ako

HINDI iwinawaksi ni Ara Mina na nabago ang kanyang buhay dahil sa ginawa niyang paghuhubad noong bago pa lamang siya sa showbiz.

Ani Ara sa digital digital media conference para sa pelikula nilang Paglaki ko, Gusto kong Maging Pornstar ng Viva Films na mapapanood sa online streaming na VivaMax, ”Nabago kasi madaling nakilala. Kasi tulad ng sinabi ko before, ginawa kong stepping stone ang pagpapa-sexy.”

Bago sumabak sa pagpapa-sexy si Ara, gumawa muna siya ng mga pelikulang pa-tweetums. “Maraming kasabayan ako noon kaya hindi napapansin,” aniya.

Pag-amin pa ni Ara, “malaki ang nabago, nakilala sa industriya at the same time, nagkaroon ng projects na bumida, nakaipon.”

Pero hindi naging madali kay Ara ang ginawang paghuhubad sa pelikula.”Noong una kong pagbo-bold, nagtanggal ng damit, after every take umiiyak ako. Tapos tiniis ko ‘yun at sabi ko trabaho lang ito. Kasi hindi ganoon kadali.

“May camera, magtatanggal ka ng damit mo.”

Mabuti na lang at supportive naman ang kanyang ina sa tinahak niyang career noon. ”Supportive ang mommy ko, nagalit ang daddy ko. Pero maganda naman ang kinalabasan. Na-achieve ko ang gusto kong ma-achieve.”

Mapapanood ang Paglaki ko, Gusto kong Maging Pornstar sa January 29, na idinirehe ni Daryl Yap. Mag-register at subscribe na sa Vivamax na sa halagang P149 makakapanood na ng Pornstar.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …