Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘I don’t care e e er’ Café sa Tagaytay Crosswinds pasaway (Welcome Covid-19 City)

SIKAT na sikat daw ngayon ang bagong café na ito sa Crosswinds Tagaytay.

Sa sobrang kasikatan, maraming dumarayo, err, maraming itino-tour dito ang isang real estate company or travel company dahil mayroon silang project doon na kung tawagin ay Switzerland look-alike project.

Kung ‘yung isang café sa Tagaytay ay ‘nambabastos’ ng senior citizens kapag nakalulusot sa kanilang establishment, dito sa café sa Crosswinds na pag-aari ng isang pamilya ng mga politiko, nanghihikayat pa sila ng mga turista, bikers, at iba’t ibang grupo ng real estate brokers na dahil sa kanila ang clientele.

Welcome na welcome kahit lampas sa 60 years old at bata pa sa 12 anyos.

Kung sa Baguio ay ingat na ingat ang gobyerno sa pagtanggap ng mga turista kaya kinakailangan dumaan sa masusing proseso ang mga turistang lokal at dayuhan (kung mayroon na), dito sa café ng ala-Switzerland project na mala-land grabber real estate company — van lang ang katapat para makabiyahe ang mga turistang Pinoy, edad 15 anyos o mas mababa pa hanggang 60 anyos o mas mataas, para makita nila ang kakaibang ‘café’ kuno ng nasabing pamilya ng politiko sa Crosswinds.

Kumbaga parang “Welcome to CoVid-19 City Tagaytay!” ang pang-akit ng lokal na gobyerno.

Batay sa ilang retratong ipinadala sa inyong lingkod, aba ‘e talagang wala nang ‘social distancing’ pero wala pa rin pakialam ang security guard at hindi sinasawata ang mga pasaway. Wala nang kontrol sa rami ng tao.

Reklamo nga ng mga taga-Crosswinds, nawalan na ng ‘exclusivity’ ang kanilang ‘staycation’ dahil kahit saan sila magpunta punong-puno ng tao.

Alam naman ninyo ang mga Pinoy kapag nakakita ng magandang café at may kakaibang disenyo — picture rito, picture roon, selfie rito, selfie roon — tapos magyayaya pa ng mga kaibigan.

Wala namang problema, okey lang ‘yan kung walang pandemya. Pero may pandemya nga ‘di ba? Mayroong mga health protocols na dapat ipatupad. Pero parang lumalabas na numero unong pasaway ang nasabing pamilya ng mga politiko.

Sabi raw ng security guards, wala silang magawa dahil mismong mga nagti-tripping at mga travel agency ang naglalagay sa Crosswinds sa kanilang itinerary.

Naniningil umano ng P800 per pax para sa escorting doon sa Crosswinds. Ang sabi pa, pinagkakakitaan ang Crosswinds na hindi alam ng management.

Pero tipong “I don’t care e e er” lang daw ‘yung pamilya ng politiko na may-ari ng café. Que ver lang, walang paki kahit kumalat pa ang CoVid-19 sa city.

Mayora Agnes Tolentino Madam, FYI lang po, paki-check ang Crosswinds na mukhang ginagawa nang tourists area ng isang café riyan.

Sabi nga, ngayong may pandemya, dalawa lang ang pagpipilian — pera o buhay?!

Alin sa dalawa, Mayora Agnes?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *