BUKOD sa kanyang singing career, wish ng singer/songwriter na si Gari Escobar na sumabak din sa pag-arte sa harap ng camera.
Actually, naging bahagi na rin siya ng ilang acting workshops, kaya sa palagay namin ay handa na si Gari sa panibagong chapter ng kanyang buhay-showbiz.
Wika ni Gari, “May dalawang period films po na gusto ni manager na sumali ako, ready naman ako anytime dahil nag-yes na ako for that. Pero small roles muna po ‘yun. By the second half of the year, wish ko po sana, may makausap na mahusay na director para sa unang ipo-produce kong film na pang-filmfest.”
Aniya, “Ang idolo ko po ay si Tito Dolphy, the greatest siya. Gusto kong makapagpasaya ng mga tao kaya career path po na pangarap kong sundan ay may pagka-Dolphy, pero ‘yung tipong may pagka-Robin Williams/Tom Hanks din sana.
“Gusto kong gawin ay comedy-suspense thriller-drama po na may moral lessons at values na ituturo sa mga manonood. ‘Yung magiging proud tayo na ipalabas at ilaban sa ibang bansa, movies na magpapakita ng magagandang lugar sa Filipinas para makatulong sa Tourism natin at ‘yung may mga twists kagaya ng Korean film na Parasite na akala mong mangyayari at ‘yung iniisip mong antagonist ay hindi pala siya ‘yun.”
Incidentally, abangan sina Gari at Diane de Mesa sa Aliw Awards Congress Highlights 2020-A Post-Production Presentation for Facebook Live! Ito’y magaganap sa Feb. 5 sa California at New York, at February 6 naman sa Filipinas.
Host dito si Ms. Diane de Mesa at ang aALIWIN Kita host na si Birdie Reyes III. Special guests si Gari at Khenzuya Yamamoto na Aliw Special Awardee for Artistic Excellence. Pag-uusapan dito ang winners and behind the scenes sa nasabing event.
Mayroon din TV mainstream version nito sa Jan. 31 sa Beam TV. Both produced ng DDM Studio International in partnership with ATC Channel 31 & Supremo Records.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio