Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sean de Guzman, pumirma ng 10-picture movie contract sa Viva

LABIS ang kagalakan ni Sean de Guzman dahil kahit hindi man naipalalabas ang launching movie niyang Anak ng Macho Dancer, may panibagong blessing na dumating sa kanya nang pumirma siya ng 10-picture movie contract sa Viva Films.

Kaya naman todo ang pasasalamat ni Sean sa bagay na ito. Bahagi ng kanyang FB post ng mga pinasalamatan: “Una sa lahat gusto ko magpasalamat sa Panginoon na palaging nandiyan para gabayan ako sa aking journey, The best ka talaga, Lord!

“Nagpapasalamat ako sa nanay ko na si Nay Len Carillo sa walang sawang pagsuporta at pag-aalaga sa akin at sa aking mga kapatid/co-artists, I love you Nay at siyempre kay Daddy Pancho Carrillo sa mga pangaral at pagsama sa amin at sa pagiging totoong ama sa aming lahat.

“Maraming salamat sa pinakamamahal kong director na si Joel Lamangan sa paniniwala sa kakayahan ko bilang baguhang aktor at kay Mr. P-Joed Serrano sa pagbibigay sa akin ng oportunidad na hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko…”

Sa panig naman ng mabait na manager ni Sean na si Ms. Len, ipinahayag nitong siya na ang simula nang pakikibaka ng kan­yang anak-anakan sa showbiz.

“Pumirma si Sean sa Viva ng 10 guaranteed movies in five years, kaya sobrang happy ko for Sean. Deserve talaga niya, dahil four years ang inantay niya or namin, actually. Eto na ang simula ng pakikibaka niya sa mundo ng showbiz,” masayang lahad ni Ms. Len.

Incidentally ang digital premiere ng Anak ng Macho Dancer ay sa January 30 na, 9-11 pm. Mula sa direksiyon ng premyadong si Joel Lamangan, tampok din dito sina Jaclyn Jose, Allan Paule, Jay Manalo, Emilio Garcia, Rosanna Roces, at iba pa.

 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …