Saturday , November 16 2024

Kelot kulong sa sinalising 4 kilo ng saging

ni ALMAR DANGUILAN

NABAWI man ang apat na kilong saging na saba, deretso pa rin sa karsel ang isang lalaki na ‘nagnakaw’ ng tinda ng kanyang kapitbahay sa Brgy. Apolonio, Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat ni P/SSgt. Jefferson Li Sadang ng Quezon City Police District (QCPD) La Loma Police Station 1, bandang 11:30 am, 21 Enero, nang maganap ang insidente sa harapan ng Antonette Street, Parkway Village, Brgy. Apolonio Samson, QC.

Sa reklamo ng biktimang si Everlito Bumatay, abala siya sa pag-estima sa ibang mamimili nang maispa­tan  niya ang suspek na si Manny Magsalin na pasim­pleng isinilid sa dalang kahon ang apat na kilong saba na nag­kaka­halaga ng P340 at mabilis na tumakas.

Hinabol ni Bumatay ang papatakas na suspek at nang maabutan ay agad niyang dinala sa kanilang barangay saka ipinasa sa himpilan ng pulisya.

Matapos mabawi sa suspek ang apat na kilong saba na kaniyang ninakaw ay ikinulong siya sa La Loma Police Station at inihahanda ang kasong theft na isasampa laban sa suspek.

Hindi sinabi ng suspek kung bakit niya ‘ninakaw’ ang tinda ng kapitbahay.

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *