Saturday , November 16 2024

Isinarang 3 LRT-2 stations sa sunog, balik-operasyon na

INIANUNSYO ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Atty. Hernando Cabrera na magbabalik-operasyon na ngayong linggong ito ang tatlong estasyon ng LRT Line 2, na pansamantalang isinara noong 2019 dahil sa sunog na tumupok sa power rectifier ng rail line sa Quezon City.

Ayon kay Cabrera, maaari nang mag-operate muli ang kanilang Santolan, Katipunan, at Anonas stations dahil natapos na ng kanilang engineering department at ng contractor ang setup sa kanilang temporary power facilities.

Sa kasalukuyan, aniya, ay nagsasagawa sila ng ‘simulation’ ng operasyon sa tatlong bubuksang estasyon upang makakuha ng safety clearance para sa pagbabalik ng kanilang serbisyo.

Gayondin, inihahanda na rin umano nila ang kanilang staff, personnel sa ticketing, security, at maintenance.

“Kailangan nating i-test ang ating mga tren, ‘yung takbo nila. I-prepare na rin natin ‘yung mga staff ‘yung ating personnel sa ticketing, sa security, sa maintenance para makuha natin ‘yung tinatawag nating safety clearance,” ani Cabrera.

“Ang target natin makuha natin within the week ‘yung tinatawag natin na safety clearance. Within the week din mabalik natin ang operasyon na kasama na ‘yung mga pasahero,” aniya.

Kaugnay nito, sinabi ni Cabrera na dahil gagamit ang mga estasyon ng temporary power supply, ang bilis o speed ng mga tren ay mas mabagal at magiging mas matagal ang interval o agwat ng mga biyahe.

“Kailangan mong i-balance o i-maintain, bantayang mabuti ‘yung number of trains na nandito sa segment na ito, magmula Anonas hanggang Santolan,” dagdag ni Cabrera.

“Kasi kapag nasobrahan mo ‘yung tren na nandito sa loob ng segment na ‘yun, puwedeng maiwasan ‘yung power tripping ng ating sistema,” paliwanag niya.

Tiniyak ni Cabrera na mahigpit nilang ipatutupad ang umiiral na health protocols sa mga estasyon para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (CoVid-19).

Matatandaang noong Oktubre 2019, sinuspendi ng LRT-2 ang operasyon ng naturang tatlong estasyon nang masunog ang power rectifier sa Katipunan area at maputol ang power supply para sa mga tren. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *