Saturday , November 16 2024

BSP Gov. Diokno, opisyal ng BAC, kinasuhan sa Ombudsman

PATONG-PATONG na kasong kriminal at administratibo ang kinakaharap ngayon ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor Benjamin Diokno at mga opisyal ng Bids and Awards Committee (BAC) dahil sa maanomalyang kontrata ng National ID System.

Sa reklamong inihain ni Ricardo Fulgencio IV ng Stop Corruption Organization of the Philippines Inc., nilabag umano ni Diokno nang pirmahan ang kontrata at mga opisyal ng BSP Bids and Awards Committee kahit labag sa Government Procurement Reform Act at Anti Graft Corrupt Practices Act.

Dawit sa kaso sina Prudence Angelita Kasala na Chairperson ng BAC; BSP Security Plant Complex head, Rogel Joseph Del Rosario, director ng BSP; Carl Cesar Bibat na tumatayong Acting Production Manager ng BSP Security Plant Complex; Marianne Santos, Vice Chairman ng BAC; Salvador Del Mundo, at Giovanni Israel Joson na kapwa member ng BAC.

Nag-ugat ang kaso matapos matuklasan ni Fulgencio na may pinaborang kontraktor ang BSP Bids and Awards Committee na mayroong espisipikong brand ng mga materyales ang gagamitin sa Procurement ng National ID and Data System.

Maliwanag umanong paglabag ito sa Section 10 at Section 18 na nagbabawal sa espisipikong pangalan ng anomang produkto sa mga bidding sa pamahalaan.

Aminado si Fulgencio na nakalap lamang niya ang mga ebedensiya sa news clippings na naglabasan noong nakaraang taon.

Sumulat din umano siya sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang humingi ng mga dokumento ngunit ipinasa siya sa nanalong bidder na All Card International bagay na hindi rin naman siya binigyan ng mga kailangan niyang papel.

Dahil dito, nagdesisyon siyang maghain ng reklamo sa Ombudsman at hiningi na maglagay ng isang Field Investigator para silipin ang kontrata ng BSP sa National ID and Data System.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *