“M AGKAMATAYAN na, hindi ko iiwanan ang ABS-CBN!”
‘Yan ang ipinangako ni Vice Ganda sa harap ng madlang people nang mapag-usapan sa nakaraang episode ng It’s Showtime ang tungkol sa pagtanaw ng utang na loob.
Nagbalik-tanaw si Vice noong panahong talong-talo sila ng Eat Bulaga sa ratings lalo nang biglang sumikat ang tambalang AlDub nina Maine Mendoza at Alden Richards.
Ayon sa komedyante, inisip na niyang katapusan na noon ng It’s Showtime sa ABS-CBN. ”Hindi ko talaga keri ‘yon. Hindi ko alam kung paano ko ‘yun idi-deal with. Kasi nangyari na ito sa amin dati, eh.
“Ako talaga, inihanda ko talaga ‘yung sarili ko na, feeling ko talaga, tatanggalin kami noong panahon ng AlDub. Prangkahan na,” sabi pa ni Vice.
Dugtong pa niya, ”Panahon ng AlDub, feeling ko wala nang nanonood ng ‘Showtime.” Parang buong Pilipinas, nakatutok sa AlDub. Tapos ang laking kasalanan kapag fan ka ng ‘Showtime.’ Ang laking kasalanan ‘pag nanonood ka ng ‘Showtime.’ Parang nag-aaway-away ang mga tao sa social media.
“Parang hindi ka dapat nanonood ng ‘Showtime.’ Dapat lahat tayo nakatutok lang sa AlDub, yung ganoon. Tapos ang baba-baba na ng ratings ng ‘Showtime,’” sabi ng TV host.
“Tapos ako, laban na laban pa rin ako. Pero dumating ako sa punto na habang lumalaban ako, tinanggap ko na, feeling ko, anytime soon, tatawagan ako ng management at sasabihan ako na, ‘We are cancelling the show.’ Tanggap ko ‘yon.
“‘Tapos hindi nangyari. Hindi ginawa ng ABS-CBN. Hindi ako inilaglag. Hindi inilaglag ‘yung show. Kaya sabi ko talaga, ‘yun ang pinanghahawakan ko, eh.
“Magkamatayan na. Hindi ko iiwanan ang ABS-CBN ngayon. Kasi noong nangyari ito sa buhay ko, hindi kami iniwanan ng ABS, eh.
“Lahat kami, lahat kaming hosts, lahat kaming show, isama na natin ‘yung direktor namin, hindi ‘yan iniwanan ng ABS noong mukha na kaming kawawa at halos patay na kami.
“Kaya ngayon na nangyayari ito sa ABS, hindi rin kita iiwan. Katulad ng hindi mo pag-iiwan sa akin noon,” litany pa ni Vice na ang tinutukoy nga ay ang pagpapasara ng Kongreso sa ABS-CBN.
Dagdag pa niya, ”’Yung taong papayag na, ‘Sige, sasamahan pa rin kita kahit wala na akong nahihita sa ‘yo.’ Ang sarap niyon. Kapag ‘di na napapakinabangan iiwan ka, ang sakit niyon.
“At ang bait-bait talaga ng Diyos dahil pinakinggan niya ang mga dasal natin.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio