Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mikee Quintos, bibida sa The Lost Recipe ng GMA News TV

MAGSISIMULA na ngayong Lunes, January 18 ang TV series na The Lost Recipe na mapa­panood sa GMA News TV. Ito ang first locally produced daily primetime show ng nasabing TV network.

Tampok dito si Mikee Quintos na gumaganap bilang si Apple, na isang aspiring chef.

Ipinahayag ng Kapuso actress na mixed emotions ang nararam­daman niya sa pag­bibidahang serye.

Saad ni Mikee, “Yes, I am (excited and happy)! But also a bit nervous, I can’t deny that.”

Pagpapatuloy pa ng aktres, “The pandemic affected all of us and working again after everything, was like getting to know a new version of myself. It’s both scary and fulfilling at the same time!”

Sinabi rin ng young actress na nasa pangangalaga ng GMA Artist Center ang role niya sa The Lost Recipe.

Aniya, “I’m playing Apple Valencia in The Lost Recipe. A bubbly dreamer who would risk everything for her family and her dreams!

“This one’s quite special, dahil it’s my first time to work on a romantic fantasy project and so far, I must say that it’s a different kind of challenge as an actor. Exciting, po siya.”

Ipinahayag din ni Mikee na sobrang happy niya sa pag-aalaga sa kanya ng GMA-7.

“Super happy! I can feel their support. They believed in me even when I didn’t believe in myself… so the least I could do is give my best with every opportunity they give me!” Masayang wika ng aktres.

Si Mikee ay unang napanood sa seryeng Encantadia ng GMA-7 bilang si Lira. Bago siya isalang sa seryeng ito, isang buong taon munang sumabak sa workshops ang aktres.

Ang ilan pa sa naging TV shows ni Mikee ay ang Mulawin VS RavenaAlyas Robinhood, Sherlock Jr., Onanay, at ang huli ay ang The Gift na pinagbidahan ni Alden Richards.

Ipinagmamalaki ng seryeng The Lost Recipe na kapag napanood ito ay matuto rin ang televiewers na maghanda ng iba’t ibang sumptuous dishes na makikita at lulutuin sa bawat kapana-panabik na episodes nito.

Tampok din dito si Kelvin Miranda bilang si Harvey, isang young professional chef. Siya ay pursigido, puno ng pangarap, at hindi titigil upang makabawi sa anumang pagkukulang, at para maabot ang inaasam na pangarap.

Ang serye ay isang fantasy-romance na gaganap sina Kelvin at Mikee bilang mga young culinary expert na aalalayan ng tunay na chef.

Ang casts ay binubuo nina Thea Tolentino, Paul Salas, Allan Paule, Lucho Ayala, Maureen Larrazabal, Almira Muhlach, Sue Prado, Topper Fabregas, at Ariella Arida.

Makakasama naman nina Apple at Harvey sa kanilang kitchen adventure sina Phytos Ramirez, Prince Clemente, Anton Amoncio, Faye Lorenzo, at Crystal Paras. Samantalang sina Manilyn Reynes, Gabby Eigenmann, at Kim Rodriguez ay may special roles sa serye.

Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Monti Parungao, head writer naman dito si Erwin Caezar Bravo.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …