Monday , December 23 2024

Amanda Page, isa sa naunang nabakunahan sa US

NASA iba’t ibang bansa na ang mga bakuna.  Rito sa atin, dumating na rin. Pero ayon sa balita, mga Marso pa ito maibabahagi sa lahat.

Sa Amerika, naibalita sa akin ng aking alagang si Amanda Page (mga millennial na lang ang hindi makakaalala sa kanya) na bilang isang frontliner, kasama sila sa mga inunang turukan nito.

Naninirahan na sila ng kanyang better half na si Lee, na isang doktor sa in the state of Vermont, sa Amerika.

Nagpakuwento ako kay Amanda. Excited siya nang sabihin sa akin na nitong Lunes nga ay babakunahan na sila.

Kumusta ang epekto?

“So far just a headache. The name of the office is Lee D. Mendiola, MD & Associates. I’m the Administrator. I got it because after the essential frontline workers got it, all other healthcare providers were next.

Ano ‘yung tatak ng vaccine. Pwede ba pumili?

“You don’t get to choose which vaccine, it’s either Pfizer or Moderna but if I had to choose I would have chosen Moderna. I get the second dose in 28 days.”

Were you required?

“It’s not required but why would I pass it up? I’m able to get it way before the general population so I didn’t even think twice. Here the vaccine is free.”

Ano ang masasabi mo sa mga nagdadalawang-isip pa to get it?

“Because they let the media scare them. 1000 times more people will die of Covid than they will from a vaccine.

“They researched this vaccine for over a decade, they just have not had to use it until now.

“I have heard of people that were turning it down, but I don’t understand why they would be scared.”

Nagpapa-bakuna naman na tayo before pa. Bakit hindi ngayon?

“The flu shot is only about 40% effective, this is 95%.”

At sa opinyon niya.

“Just don’t get the one from China. I think it’s only 50% effective. And it’s not US FDA approved. They’re not as strict in testing before they release it.”

Pwede ba sa lahat? Paano ‘yung may heart condition and diabetes at iba pa? Check-up pa rin muna?

“No, anyone can get the vaccine if you don’t have any immune issues like lupus or bad allergic reactions to previous vaccines. Heart issues and diabetes issues are fine.”

Kahit pa abala at punumpuno ang kanilang mga kamay ng mga pasyente, hindi nakakaligtaan ni Amanda na siya rin ay isang honaker at ina sa kanilang si Mason.

“Mason is fine still being homeschooled. And si Mom hopefully will be next in line for the vaccine. We all miss the Philippines. Sana, makabalik na uli kami for a longer visit.”

Ana and Lee are celebrating their wedding anniversary at kanya ring kaarawan.

A great gift for her birth month.

A happy wife. In a happy home. Leading a happy life!

Sahi nga niya, ”HOPE…for a better world. CoVid is the enemy…not each other!”

(Pilar Mateo)

 

About Pilar Mateo

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *