PATULOY ang pagdating ng kaliwa’t kanang projects sa mahusay at masipag na indie actor na si Tonz Are.
Kahit may pandemic pa rin, humahataw si Tonz sa TV, pelikula, pati na sa endorsements.
Pahayag niya, “Nagpapasalamat ako kay God kasi balik-pelikula and TV po ako. Mayroon po akong project sa The 700 Club Asia sa GMA 7 Lenten special at maganda po ang role ko rito, kasi gaganap po akong isang medical staff na related po sa isang pasyente.”
Si Tonz ay napapanood din ngayon sa Pinoy MD ng GMA 7.
Pagkatapos niyang sumabak sa BL series na Escort Duty, hahataw naman siya sa pelikulang Diego Visayas at sa Balud na prequel ng pinagbidahan niyang Rendezvous.
Kabilang sa mga naka-line up niyang proyekto ang Kwarto na isang BL series, sa direksiyon ni Carlo Alvarez, Mino na isang Visayan horror film, sa pamamahala ni Direk Romm Burlat, Abel na proyekto pa rin n Direk Romm, Tawabong ng Daydreamer Production at sa direksiyon ni Romeo Fregada, at iba pa.
Ang bago naman niyang endorsements ay ang La Rosa Homes Subdivision at VG’s Cebu lechon owned by Ms. Michelle Sanchez.
Nakangiting hirit ni Tonz, “Don’t forget din po ang business kong Balud Milktea, Tonz Tapsilogan – na magbubukas very soon ang isa pang branch sa Pael, Visayas Avenue, Quezon City, at ang Artizent Perfumes.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio