Saturday , November 16 2024

Duterte ‘med rep’ ng Sinovac

NAGMISTULANG medical representative ng Sinovac si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatanggol sa bakuna kontra CoVid-19 na gawa ng China.

Sa kanyang talk to the people kamakalawa ng gabi, ginarantiyahan ni Pangulong Duterte na “safe, sure and secure” ang Sinovac dahil matalino ang mga Intsik na gumawa nito.

“Now, the bakuna that Secretary Galvez is buying is as good as any other bakuna na naimbento ng mga Amerikano o Europeans. Hindi nagkulang ang Chinese, hindi sila nagkulang sa utak. Bright itong mga Intsik at they would not venture kung hindi sapat, it is not safe, sure, and secure. Iyong tatlo: it must be safe; sigurado, sure; and secure. That is the guarantee,” aniya.

Nauna rito’y binatikos ng ilang mambabatas ang pagpili ng Palasyo sa Sinovac dahil sa mga ulat na may 50.4% efficacy lamang umano ito sa Brazil at mas mataas pa ang presyo kompara sa ibang CoVid-19 vaccine na gawa ng Amerika, UK, Russia at India.

Pero iginiit ng Pangulo na kung ano ang tatak ng bakunang mapili ni Carlito Galvez, Jr., ay parang siya na rin ang nagdesisyon dahil buo ang tiwala niya sa vaccine czar na nakipagkasundo sa Sinovac na bibili ang Filipinas ng 25 milyon doses.

Katuwiran ng Pangulo, nabakunahan na ng China ang halos lahat ng kanilang mamamayan kaya bumabalik na sa normal ang kanilang buhay.

“Kung ayaw ninyo, okay lang. Walang problema. Kung kayong walang pera at gusto ninyo ng bakuna na mas maganda, mas mabisa, wala, tabla lahat ‘yan. Pareho lang ang pinag-aralan nila. The same microbes ang pinag-aralan nila so kanya-kanya ‘yan. It doesn’t mean to say that the Americans or the Europeans, the EU, are better than the Chinese,” wika niya.

“Ako, kung ano ang piliin ni Secretary Galvez, kung ano ‘yung responsibility niya, responsibility ko rin.  Ultimately, actually, sa lahat ng ito, kung may bulilyaso, iyong aming sa gobyernong pinili at nine-negotiate ngayon, kung may bulilyaso, at the end of the day, akin talaga ‘yang responsibilidad,” garantiya ng Pangulo.

Hindi aniya makikialam ang national government sa tatak ng bakunang bibilhin ng local na pamahalaan para sa kanilang constituents.

“I am now addressing to — myself to the mayors and governors: You can choose any vaccine you like to buy. Wala kaming pakialam kung ano ang pipiliin ninyo. That’s one thing. Hindi kami makialam sa lahat ng bagay in the purchase,” sabi ng Pangulo.

Mayorya sa mga local na opisyal ay CoVid-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca ng UK ang bibilhin para sa kanilang constituents.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *