AVAILABLE na ngayong January 15, sa lahat ng digital platforms ang latest singles ng talented na singer/songwriter na si Ashley Aunor titled Loko.
Indirectly, patama ito sa mga sa mga lalaking manloloko.
Ayon kay Ashley, fictional ex-boyfriend ang pinagbasehan ni Ashley ng kanyang forthcoming single, tiyak na lalatay ito sa mga pabling na pinaglalaruan ang mga babaeng nagmamahal sa kanila.
Panimula ng bunsong anak ni Ms. Maribel “Lala” Aunor, “Ang title po ng ilalabas kong single ay Loko, ito po ay through DNA Music (sub-label ng Star Music) ire-release.”
Aniya, “Loko! is a hip-hop song about my fictional ex-boyfriend na nang-cheat on sa akin. The song is written and fully produced by Aunorable Productions, ito po ang production duo namin ni Ate Marion (Aunor).”
Marami na ba siyang na-encounter na lalaking loko?
“For fun and all fiction lang naman ‘yung lyrics ng song. Marami kasing manlolokong lalaki ngayon, hahaha!” Nakatawang saad pa ni Ashley na kilala rin sa tawag na Cool Cat Ash.
Aside sa kanyang single na Loko, may tatlong covers si Ashley na masarap pakinggan. Ito’y ang Laki Sa Layaw ni Mike Hanapol, Iskul Bukol theme song nina Tito, Vic & Joey, at Bonggahan na originally ay pinasikat ng Queen of Pinoy Rock na si Sampaguita.
Masaya rin si Ash na ang isa sa covers niya ay napasali sa Fresh Finds Philippines. “Na-add sa Fresh Finds Philippines Spotify playlist ang Laki Sa Layaw live cover ko before 2020 ended and natuwa ako na may pa-New Year blessing si God through that surprise,” saad ng younger sister ni Marion.
Sa tatlong covers na ito ay makikita kung gaano ka-versatile talaga at kung gaano katindi ang pagkagiliw sa rock classics ng younger sister ni Marion Aunor.
“Mahilig talaga ako sa classic rock, hindi lang po classic Pinoy Rock, kahit anong classic rock po,” esplika pa ni Ashley na sa nagdaang 33rd Awit Awards ay naging nominado as Best Novelty Recording para sa kanyang first single titled Mataba.
Balak ba niyang maglabas din ng EP? Tugon ni Ashley na kilala rin bilang Cool Cat Ash, “Maybe, eventually ay magkaka-EP (Extended Play) din po ako. But focus muna ako sa singles, for now.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio