Friday , May 16 2025
Covid-19 dead

44 bagong kaso ng CoVid-19 naitala sa MaNaVa (Dalawa patay)

HINDI nakaligtas ang isang pasyente sa Valenzuela City at isa rin sa Navotas City, habang 44 ang nadagdag na confirmed cases sa mga nasabing lungsod at sa katabing  Malabon City nitong 13 Enero.

Nabatid sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), umabot sa 128 ang active C0Vid-19 cases sa Valenzuela mula sa 108 noong nakalipas na araw.

Umakyat sa 8,779 ang confirmed cases sa Valenzuela, 8,391 ang gumaling at ang pinakahuling namatay na pasyente ang ika-260 pandemic fatality sa lungsod.

Pito ang bagong naitalang kaso ng CoVid-19 sa Navotas at isa rito ang binawian na ng buhay.

Sumampa sa 5,507 ang tinamaan ng CoVid-19 sa Navotas.

Gumaling ang 5,279 rito, 172 ang namatay at 56 ang active cases.

Ayon sa Malabon City Health Department, 18 ang nadagdag na confirmed cases sa lungsod nitong 13 Enero.

Sa kabuuan, 6,163 ang positive cases sa Malabon, 69 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, walo ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling mula sa Barangay Baritan.

Umakyat sa 5,858 ang recovered patients ng lungsod at nananatiling 236 ang CoVid-19 death toll.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Matansero timbog sa P136-k shabu sa Calamba Laguna

Matansero timbog sa P136-k shabu

CAMP BGEN PACIANO RIZAL – TIMBOG ang isang matansero nang mahulihan ng P136,000 halaga ng …

cal 38 revolver gun Shabu Drugs

Pulis tinangkang barilin tulak arestado

ARESTADO ang isang kilalang personalidad sa ilegal na droga nang tangkaing barilin ang mga nagrespondeng …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Arrest Shabu

Tandem sa ilegal na droga
KOREAN AT CHINESE NATIONALS NASAKOTE

DALAWANG dayuhan na itinuturing na high-value individuals (HVIs) ang naaresto sa ikinasang anti-illegal drug operation …

Daniel Fernando Alexis Castro

Wagi sa landslide victory  
FERNANDO, CASTRO NAIPROKLAMA NA

OPISYAL nang iprinoklama sina kasalukuyang Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis C. Castro …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *