Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ANAK NI JERIC NA SI AJ, PALABAN Pagpapa-sexy, sariling desisyon

“NEVER pong naging supportive ang Papa ko sa pagpapa-sexy ko.” Ito ang inamin ni AJ Raval, anak ng action star na si Jeric Raval. Si AJ ay kasama sa pelikulang Paglaki ko, gusto kong maging Pornstar na pinagbibidahan nina Alma Moreno, Rosana Roces, Maui Taylor, at Ara Mina, handog ng Viva Films at idinirehe ni Darryl Yap na mapapanood na sa January 29 sa VivaMax, isang subscription video-on-demand streaming service ng Viva Communications, Inc..

Ani AJ, nasa edad na siya at mayroon ng sariling desisyon para gawin ang alam niyang tama para sa kanyang sarili.

Daring at palasak ang mga lengguwaheng ginamit sa pelikula, pero wala iyon kay AJ dahil, ”Nasa edad na rin ako at may sarili na rin akong desisyon.”

Kaya naman, pinabayaan na lang daw siya ng kanyang Papa Jeric sa kung ano ang gusto niyang gawin.

“Ito pong movie hindi niya alam na ginawa ko,” pag-amin pa ni AJ.

“’Yung mga sexy na ginawa ko at wet look hindi niya alam na mayroon niyon sa pelikula,” sambit pa ng dalaga.

“Pero ine-expect ko na po ang reaction niya na magagalit siya sa akin,” pakli pa nito.

Sinasabing isa sa important newcomer ng 2021 si AJ na leading lady ni Diego Loyzaga sa comeback movie nitong Loving Christine.

Balitang nagsimula na ring mag-taping ng Ang Probinsyano ang anak na ito ni Jeric. Gaganap siya bilang isa sa mga pulis na makakalaban ng grupo ni Coco Martin.

Hindi nakapagtatakang marami ang mahalina sa kagandahan ni AJ, dahil nagmana rin siya ng kagandahan sa kanyang inang si Allysa Alvarez, na dating sexy star noong dekada ’90 at lumabas sa mga pelikulang Casa Verde, Alindog ng Lahi, Totoy Molaat iba pa.

Ayon sa nakita naming article ukol kay AJ, napansin siya nang mag-guest sa Kapare-who ng It’s Showtime na nag- trending. Sinundan ito ng guesting nilang mag-ama sa Minute To Win It na nag- trending din.

Naging member muna siya ng all girl sing and dance group na The Fabulous Girlfriends bago pumasok sa Viva.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …