Saturday , April 19 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

U-turn slots sa EDSA parang pintong bukas-sara, sara-bukas

KASABAY ng pag-upo ni bagong Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, Jr., tila naging opening salvo ng kanyang administrasyon ang heavy traffic na resulta ng pagsasara sa U-Turn slots sa General Malvar/Bagong Barrio sa EDSA.

Ang layunin umano ng pagsasara ay para sa Busway project ng Department of Transportation (DoTR).

Isinara ito dahil ang innermost lane ng EDSA ay ilalaan o itatalaga bilang “exclusive lane for public utility buses.”

Kaya ang mga motorista ay kailangan magpunta sa Monumento o sa Balintawak Cloverleaf bilang alternatibong ruta.

Matatandaan na mula Setyembre noong isang taon, anim na U-turn slots sa EDSA ang isinara sa trapiko para nga magbigay-daan sa Busway project.

Ang pagsasarang ito ang sinisi ng mga motorista kung bakit matinding traffic ang sumalubong sa kanila sa EDSA nitong Lunes.

Sa ulat, sinabing 20,000 sasakyan ang gumagamit ng U-Turn slots araw-araw kaya bigla silang nabulaga nang bigla na lamang itong magsara.

‘Yun bang tipong bigla kang napaapak sa preno at muntik mabangga ng nasa likurang sasakyan dahil sa mabilis na paghinto.

Nakupo! Para kang ‘na-good morning’ Monday no’n.

Nagkaroon naman ng remedyo, pinaderetso sila sa A. De Jesus St., pero naipit na muna sa traffic ang maraming motorista.

Pero nagbabala ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na limang U-Turn slots pa ang isasara.

Aabutin umano sa 13 U-Turn slots ang isasara sa EDSA upang magbigay daan sa gagawing bus lanes.

‘Yan naman ang ipinagtataka natin sa mga awtoridad. Ang akala yata sa U-Turn slots sa EDSA ay pintong puwedeng bukas-sara bukas-sara.

Ang isa pang nakabubuwisit, nagsasara sila nang walang abiso.

Wattafak!

Tapos magtataka sila kung nagkakaroon ng heavy traffic saka ituturo ang pagkakamali sa mga motorista.

Pabor naman tayong ayusin ng gobyerno ang public transportation nang sa gayon ay makontrol ang private vehicles sa kalsada na sabi nga ay mas marami pa kaysa sasakyang pampubliko.

Pero may isa lang pong concern ang maraming mamamayan: sumangguni muna kayo sa publiko lalo sa bayang motorista bago magdesisyon na isasara ang U-Turn slots.

In short, hingin n’yo muna ang opinyon ng mga mamamayan bago kayo mag­desisyon.

Huwag po ninyong paglaruan ang traffic sa EDSA, Please lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *