IDINAGDAG ang lima pang bansa sa ipinatutupad na travel restriction sa Filipinas dahil sa bagong CoVid-19 variant.
Inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque na kasama sa travel restriction ang China, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, at Oman.
“Ipinagbabawal po ang pagpasok ng mga dayuhan galing sa mga bansang ito, galing po roon sa mga lugar iyon effective January 13, 2021 at noon (12:01PM) until January 15, 2021 subject po to the recommendation of the IATF,” ayon kay Roque sa virtual palace press briefing kahapon.
Pahihintulutan pa rin makapasok sa Filipinas ang mga Filipino mula sa mga naturang bansa pero kailangang sumailalim sa 14-day quarantine kahit lumabas na negatibo sa RT-PCR test.
Nauna nang ipinatupad ang travel restriction sa 21 bansa kabilang ang United Kingdom, US, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, Portugal, Finland, Norway, Jordan, at Brazil.
(ROSE NOVENARIO)