Sad ang balitang hindi man lang sumampa sa P50 million ang income ng sampung pelikulang kalahok sa recently finished digital edition ng Metro Manila Film Festival.
So, Vice Ganda’s decision was right after all. Na-foresee niyang mahirarapang makabawi sa digital. Obvious na mas gusto pa rin ng mga taong gumastos sa sinehan. Bumili ng ticket sa takilya at may budget pa sa snacks, at maging sa pasahe.
Iba pa rin talaga ang dating kapag sa sinehan ka nanonood. Kaya sana, sa forthcoming festivals, bukas na sana ang mga sinehan.
Malaking epekto pa rin ang walang habas na pamimirata. Wala silang pakialam sa mga pakiusap na sana, huwag nang piratahin ang mga pelikula.
Kaya sana, maaksiyonan ng Optical Media Board (OMB), na mahuli ang mga namimirata ng mga pelikula natin para maparusahan sila.
The industry needs the help of our government para makaahon-ahon man lang.
Hihintayin rin natin ang panunumpa ng bagong MMDA chairman na si dating Mandaluyong Mayor Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.
Ang ama ni Benhur na si Benjamin Abalos, Sr., ay dati rin mayor ng Mandaluyong at nagsilbi bilang MMDA chairperson from January 20, 2001 up to June 5, 2002.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.