Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elisse, sinuwerte nang mawalan ng ka-loveteam

NAGKASUNOD-SUNOD o dumami ang projects ni Elisse Joson simula nang mawalan siya ng ka-loveteam. Ito ang obserbasyon ng marami sa itinatakbo ng career ngayon ng dalaga.

Sa virtual presscon para sa iWantTFC horror anthology series nilang  Horrorscope na mapapanood simula January 13 na pinamahalaan ni Direk Ato Bautista natanong ang dalaga na ngayo’y nasa ibang bansa kung mas okey na ba sa kanya ang walang ka-loveteam. Nabuwag ang loveteam nina Elisse at Mccoy de Leon nang magkasira ang relasyon ng dalawa. Ngayong nagkabalikan sila possible rin bang maibalik ang kanilang loveteam?

“Eversince naman na kahit magka-loveteam kami (Mccoy) lagi kong sinasabi sa lahat na gusto ko pa rin talagang mas maging wider ‘yung matatanggap kong iba-ibang proyekto,” panimulang paliwanag ng dalaga na gagampanan ang role ni Clarissa sa Horrorscope, na sinapian ng masamang espiritu.

“One good thing, one positive thing na nakuha ko nang nawala ‘yung o nasara sa isang loveteam namin, eh ang chance na magkaroon ng iba-ibang role,” pagpapatuloy niya. “And mas natuto ako. Kasi feeling ko roon ako natututo at luckily may mga taong naniwala at sumugal na magbigay sa akin ng iba-ibang role,” dagdag pa.

Kaya naman ang tingin ditto ni Elisse ay blessed siya sa nangyari. “Masasabi ko hanggang ngayon ‘yung hindi ako nata-typecast getting different roles, at doon ako kumukuha ng maraming-maraming learnings.”

Sinabi pa ni Elise na tila tapos na siya sa pakikipag-loveteam. “Parang hindi na ako nandoon. Maybe someday, magkakatrabaho pa rin uli kami ni Mccoy, hindi natin alam. And like I said, mas gusto ko kasi na tahimik when it comes to my personal relationship  and sa ngayon work muna.”

Bukod kay Elisse, tampok din sa Horrorscope sina Charlie Dizon, Patrick Quiroz, Fino Herrera, Iyah Mina, at Paolo Gumabao.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …