Monday , May 12 2025
shabu drug arrest

Tulak timbog sa Malabon (Sa P122K shabu)

TIMBOG ang isang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si John Efren Angel, alyas OG, 29 anyos, residente sa Kaingin II St., Brgy. Tinajeros ng nasabing lungsod na sinasabing ‘malupit’ na tulak ng shabu sa lugar.

Batay sa ulat na ipinarating ni Malabon City Police chief Col. Angela Rejano, dakong 11:50 pm nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangununa ni P/SSgt. Julius Sembrero sa ilalim ng pamumuno ni P/Capt. John David Chua sa kahabaan ng M.H. Del Pilar kanto ng Kaingin II St., sa nasabing lugar.

Isang kagawad ng pulisya ang nagkasa ng buy bust operation at nakipagkasundo sa suspek na bibili ng halagang P500 halaga ng shabu.

Nang iabot ng suspek ang shabu sa poseur-buyer ay agad sinunggaban si Angel na hindi na nakapalag sa mga operatiba.

Nakompiska sa suspek ang 18 gramo ng shabu na tinatayang nasa P122,400 ang halaga at buy bust money.

Inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug  Act of 2002 laban sa suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *