Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Star Magic, nagpahayag ng suporta kina Janella at Markus

SUPORTADO ng Star Magic, ABS-CBN’s talent management arm sina Janella Salvador at Markus Paterson matapos magdesisyon ang dalawa na ipakilala ang kanilang anak na si Jude sa publiko.

Sa isang statement, ipinahayag ng Star Magic ang kanilang pagbati sa dalawa.

“Star Magic expresses its full support and guidance to Janella and Markus as they embark on a new chapter in their lives. We hope that you will continue to give the same encouragement and appreciation that you have given them as artists. This new blessing will certainly contribute to the enrichment and depth of their artistry. Congratulations once again, Janella and Markus, on your bundle of joy!.”

Bagamat amiadong kabado, napagdesisyonan ng dalawa na ipakita at ipakilala ang kanilang anak na si Baby Jude sa pamamagitan ng isang vlog. Doo’y ipinaliwanag ng dalawa ang dahilan kung bakit ngayon lamang nila ipinakilala ang kanilang anak.

Ani Janella, sobra-sobra ang kanyang pangamba kaya’t hindi agad niya naipagtapat ang tunay niyang kalagayan. Alam kasi niyang uulanin siya ng batikos. Pero dahil sa sobrang ligaya ang kanilang nararamdaman sa tuwing makikita ang kanilang anak, nagdesisyon silang ipakita na iyon.

At bakit nga naman hindi, super cute si Baby Jude at talaga namang blessings  iyon sa kanila.

Ipinanganak si Baby Jude noong October 20, 2020.

Nasa UK pa rin sina Janella at Markus at ine-enjoy ang bawat oras at araw kasama si Baby Jude.  (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …