BUKOD sa paghahanda para sa biggest action-adventure series ng GMA Public Affairs na Lolong, papasukin din ni Kapuso actor Ruru Madrid ang shoe business ngayong 2021.
Ibinahagi ito ni Ruru sa interview sa GMANetwork.com. ”Magtatayo ako ng business ng sapatos, itutuloy ko ‘yan! Kailangan mas magpursige ako rito sa ‘Lolong.’ Kung dati ibinibigay ko is 100% kailangan this time dodoblehin ko, titriplehin ko pa. Ganoon ako magiging dedicated sa trabaho.”
Isa rin sa kanyang New Year’s resolution ay ang panatilihing fit at healthy ang kanyang katawan. ”Lagi ko sinasabi na next year dapat ma-reach ko na ‘yung goal ko na katawan. Dapat next year maging mas healthy ako. So, uulitin ko lang ulit ‘yon kasi kahit paano naman kahit hindi ko na-achieve totally ’yung gusto ko [last year], kahit paano may nangyayari naman.”
Rated R
ni Rommel Gonzales