Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miko Pasamonte, nahirapan sa nude scenes sa Anak Ng Macho Dancer!

SABI ng batang barakong indie actor na si Miko Pasamonte sa virtual mediacon ng Anak Ng Macho Dancer, matata­kam raw ang gay audience sa kanilang pinaggagawa. The movie’s under the direction of Joel Lamangan.

Kasama rin sa pelikula ang mga baguhang sina Sean de Guzman, Ricky Gumera, Charles Nathan, at Mhack Morales; together with the veteran actors Allan Paule, Jaclyn Jose, Jay Manalo, Rosanna Roces, Jim Pebanco, and Emilio Garcia.

“Di ba, sa mga past na movie ko, balewala sa akin ang pag-frontal-frontal na iyan? Kasi, ang dami kong nagawang pelikula, halos karamihan, puro frontal.

“Pero ito, iba. Iba. Ahh, medyo nahirapan…”

Marami raw talaga ang frontal scenes niya rito! Iyong isang scene nga raw ay naka-11 take dahil sa mga matronang hindi makuha iyong dapat nilang iarte.

Sa nangyari, nadamay na rin daw siya. Nagka­taon namang ang daming tao.

Sa gaybar raw kasi, mga matrona ang guest.

Medyo nahihiya raw (matrona) at hindi nila nakukuha iyong gusto ni Direk Joel. Nakailang take. Siyempre, kasama raw siya sa kamera, nadada­may.

“Iyong part na iyon, naghuhubad ako. Kaya 11 times na hubad ako nang hubad.”

Kabilang sa indie movies ni Miko before ang Kape Barako (2011), The Escort (2011), Kumpare (2012), at #LabYu (2014).

Inurirat naman si Miko kung sino sa Anak ng Macho Dancers co-stars ang feel niyang makatambal sa isang BL series.

“Ako, gusto ko si ano… prangka ako, gusto kong makaganoon, si Ricky Gumera,” Miko honestly admitted.

“Kasi, imagine mo, ako ang datihang aktor sa kanila, siya pa ang nagturo sa akin na totohanin agad.

“Kasi, kesa mamura kami ni Direk Joel. ‘Di ba, usually, sa mga bed scene ng mga movie, pag halikan, ganyan lang, smack lang minsan,” demonstrated Miko.

“Pero siya… noong tinorrid ako ni Ricky, na-shock ako, e. Hindi naman ako puwedeng mag-cut. Kasi, hindi ako director, baka ma-P.I. na naman ako ni Direk.

“Nilabanan ko na lang din siya. Nagulat lang ako, naglalabas ng dila. E, di… nakipaglabasan din ako ng dila.

“E, ang kagandahan naman noon, take 1 lang. Pumalakpak pa si Direk Joel.”

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …