Friday , November 15 2024

3 tulak arestado sa 3.5 kilong damo

DINAKIP ang tatlong tulak makaraang makom­piskahan ng 3.5 kilo ng marijuana sa buy bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Miyerkoles ng gabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Danilo Macerin ang mga nadakip na sina Karl Marx Delos Santos, 22 , security guard; Dhendel Carayag, 22 anyos, kapwa nakatira sa Brgy. Gulod, Novaliches; at Joseph Vincent Santos, 22, residente sa Brgy., Sta. Lucia, Novaliches.

Base sa ulat, dakong 9:15 pm nang ikasa ng Kamuning Police Station 10 ang drug operation sa Carayag at Marianito streets, corner Quirino Highway, Brgy. Gulod, Novaliches QC.

Nauna rito, nakatanggap ng tawag mula sa concern citizen ang pulisya hinggil sa ilegal na ginagawa ng mga suspek.

Isang pulis ang bumili ng halagang P40,000 marijuana at nang magkaabutan ay dinakma ang tatlo.

Nakompiska mula sa mga naaresto ang 3.5 kilo ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng P420,000, buy bust money, dalawang cellular phone na ginagamit sa kanilang mga parokyano at Suzuki Skydrive motorcycle.

Nakapiit ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *