Sunday , December 22 2024

PNP probe sa Dacera case, bara-bara — Diokno

ni ROSE NOVENARIO

BARA-BARA o magulo ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa kaso nang pagkamatay ni Christine Dacera.

Pinuna ni human rights lawyer at Dela Salle University College of Law dean Chel Diokno ang pagsasampa ng “provisional charges” ng PNP laban sa mga suspect gayong hindi ito nakasaad sa batas at wala pang autopsy report na puwedeng maging basehan sa paghahain ng mga kaso.

“Marami akong tanong sa PNP tungkol sa kaso ni Christine. Bakit sila nag-file ng “provisional” charges, e wala namang ganyan sa ating batas? And since wala pa ‘yung autopsy report, what is the PNP’s basis for filing those charges?” ani Dikono sa kanyang Facebook post kahapon.

Kinuwestiyon ni Diokno ang pahayag ng PNP na “case solved” na ito gayong hindi pa batid ang sanhi ng pagkamatay ni Dacera at nangangalap pa ng mga ebidensiya ang mga imbestigador.

“How can the PNP consider this case ‘solved’ when the cause of death is not clear, and the evidence is still being gathered? Bakit nauna ang conclusion bago ang facts?”

Dapat aniyang magsumikap ang PNP na gampanan nang wasto ang responsibilidad na mangolekta ng mga ebidensiya, upang malaman ang tunay na nangyari at saka magsampa ng kaso.

“To find out the truth, PNP should focus on doing their job of gathering evidence. Charges should come later, when the PNP has done all it can to find out exactly what happened. Sa nakikita ko, parang bara-bara ang pag-iimbestiga ng PNP,” giit ni Diokno.

“Ang dami pang puwedeng pag-usapan, pero ngayon wala akong ibang maisip kundi kung gaano ito kasakit lalo na sa pamilya ni Christine. Kaya dapat nag-imbestiga munang maigi ang PNP bago magpa-press release. At dapat magkaroon tayo ng justice system na talagang maaasahan ng mga Filipino,” dagdag niya.

PNP AUTOPSY REPORT
KAY DACERA, KULANG

KULANG ang detalyeng nakalagay sa autopsy report ng Philippine National Police (PNP) sa bangkay ni Christine Dacera, ayon kay forensic pathologist Dr. Raquel Fortun.

Paliwanag ng eksperto, kailangang kom­pleto ang mga ebidensiya bago maglabas ng resulta sa pagkamatay ng biktima.

“This is not a standard autopsy report, ang daming kulang. Some of these doctors would say what they did was an autopsy, but then how come ang iksi-iksi naman ng report mo?”

“As much as possible, you gather what you call physical evidence at gagamitan mo ng forensic science. Hindi puwede ‘yung haka-haka lang,” giit niya.

Binatikos din niya ang pahayag ng Makati Police na may kaugnayan ang mga alak na ininom ni Dacera sa sanhi ng kama­tayan nitong ruptured aortic aneurysm.

“Walang kinalaman ang alak na ininom ng biktima sa ruptured aortic aneurysm na ikinamatay ng biktima. Masyado pang bata si Dacera para mamatay sa aneurysm. Kailangan masuri ang aorta o pangunahing ugat sa katawan upang malaman kung may problema. Hindi rin nakita sa report kung may hemorrhage o internal bleeding sa katawan na sanhi ng aneurysm,” sabi ni Fortun.

“Very important to me, it does not explain death kapag pumutok o napunit ang isang vessel na sinlaki ng aorta, doon ka namamatay,” dagdag niya.

Wala aniyang medical basis ang sinabi ng Makati Police at kaila­ngan munang dumaan sa toxicology test para makita ang mga kemikal na nasa dugo ng bangkay at saka susuriin ang epekto ng interaction sa mga kemikal na makikita sa sample.

“Hindi medically sound ‘yung conclusion na ‘yun at pag-connect-connect. Parang hindi logical. ‘Pag sinabi mong aneurysm, kapag binuk­san mo ang katawan puwede mo makita, lumabas ang dugo, hemorrhage, obvious ‘yan. Pero on the other hand, ang sinasabi mong meron intoxication, hindi namin nakikita ‘yan,” aniya.

Para kay Fortun, hindi sapat ang physical exam sa bangkay para matukoy kung mayroon ngang sexual contact ang biktima bago siya mamatay.

“Everything here is non specific. It does not point to sexual assault. It does not point to sexual activity in the past. That’s impossible to say, that’s over-hyped.The hymen does not tell you penetration before whether its consensual or nonconsensual. But basically it does not say here that there was sexual contact. And anyway, it’s not your examination that will say that,” sabi niya.

Aniya, ang mga pasa at sugat sa tuhod ng biktima ay hindi rin nagpapakita ng indi­kasyon na may sexual abuse.

Kailangan din uma­nong ikonsidera kung paano binuhat ang bang­kay nang matag­puan at anong ginawa sa kanya nang madala sa ospital.

“But the location of the injuries, these are minor, They are not enough to kill. They are not enough to say that she was physically assaulted. And their distribution actually is, they are not the usual injuries associated with physical assault. That much I can say,” wika ni Fortun.

Ang pahayag ni Fortun ay base sa pagsasalarawan sa mga pasa ni Dacera pero inilinaw niyang kailangan mabuo ang lahat ng kailangang ebidensiya bago makabuo ng konklusyon.

“The way they are described, parang hindi. Pero sabi ko nga we have to come up with a totality of evidence. Kailangan mangalap ng physical evidence, witness account at forensic science, hindi puwede ‘yung haka-haka, ano narinig,” aniya.

(ROSE NOVENaRIO)

3 KAIBIGANNA SUSPEK
SA DACERA CASE
PINALAYA NG PISKALYA

INIUTOS ng piskalya na palayain ang tatlong kaibigan ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera, 23 anyos, natagpuang walang malay sa isang hotel sa Makati City.

Sa mensahe ni Prosecutor General Benedicto Malcontento sa mga mamamahayag: “state prosecutors resolved to refer the case for further investigation, and to release the arrested persons from detention.”

Ang mga pinalaya ay kinilalang sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido, at John Paul Reyes Halili.

Ani Malcontento, pagkatapos ng inquest proceedings, resolbado ang Office of the City Prosecutor, Makati City na: “there is a need to conduct preliminary investigation of the case.”

Sa ulat ng pulisya, sinabing si Dacera ay natagpuang patay sa hotel bathtub sa Makati City matapos ang New Year’s eve party kasama ang mga kaibigan. Dinala sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Ayon sa PNP naghain sila ng kasong “rape with homicide” laban sa tatlo.

Ayon kay Malcontento, kailangan ng preliminary investigation upang madetermina kung si Dacera ay ginahasa at pinatay, at kung sino ang mga gumawa nito; at ano ang aktuwal na sanhi ng kamatayan.

Iimbestigahan din ang walo pang suspek na sinabing “at large” hanggang sa kasalu­kuyan.

Iginiit ng pulisya na ginahasa si Dacera ngunit itinanggi ito ng isang suspek na kinilalang si Gregorio Angelo Rafael De Guzman, at sinabing siya ay isang bakla.

Sinabi niyang sinubukan niyang i-revive si Dacera.

Si De Guzman ay anak ng mang-aawit na si Claire dela Fuente.

Kahapon, inatasan ni Justice Secretary  Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na  magsagawa ng ikalawang awtopsiya sa katawan ni Dacera para tulungan ang pulisya na matukoy kung ano ang ikinamatay ng flight attendant.

Naunang sinabi ng Makati police na binanggit umano ni Dacera sa mga kaibigan na: “Parang may nilagay sa drinks ko, parang sumama pakiramdam ko,” ilang oras bago siya mamatay.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *