HETO na naman ang Health officials, mukhang nagungulelat na naman sa pagdedesisyon kung paano bibili ng bakluna kontra CoVid-19.
Iba-iba na namang isyu ang lumulutang kaugnay ng pagbili ng bakuna.
Habang naturukan na raw ang mga kagawad Presidential Security Group (PSG) at ang halos 100,000 Chinese nationals na mga empleyado ng POGO ng mga ‘smuggled’ na bakuna mula sa China, ang gobyernong Filipino, hindi pa makapagdesisyon kung ano ang bibilhing bakuna.
Pfizer ba? Sinopharm ba? E ano ba?!
Ano bang bakuna ang gustong aprobahan ng Department og Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA), bakit hanggang ngayon ay wala pa silang desisyon?
Nakasalang pa ba sa “Jack En Poy” si Health Secretary Francisco Duque III at FDA Director General Eric Domingo kung ano ang aaprobahan nila?!
Aba e gusto n’yo pa yatang magkabaku-bako sa galit ang mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte bago kayo magdesisyon?!
Baka naman matulad pa ‘yan sa RT-PCR test at swab test?!
Mantakin n’yo naman sa kupad ang mga opisyal na ‘yan, hanggang ngayon, ang pinag-uusapan pa lang dito e kung paano gagawin ang swab test, samantala sa ibang bansa ay nagbabakuna na.
Sobrang kupal este kupad n’yo naman!
Hindi naman sa inyo nagagalit ang mga tao kundi sa Pangulo.
Kailan ba kayo tatablan ng kahihiyan Mr. Duque?!
Wattafak!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap