Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC, idinaan sa ig ang pagbati sa kanyang la reina

IDINAAN ni KC Concepcion sa kanyang Instagram ang pagbati at pagbibigay ng birthday message sa kanyang inang si Sharon Cuneta.

Kalakip ng kanyang mensahe ang kanilang picture na siguro’y 1 or 2 year pa lamang siya at batambata pa ang kanyang ina na nagdiwang ng ika-55 taong kaarawan kamakailan.

Caption niya sa picture, ”Today is the day that outshines any other day of the year! Happy birthday and fabulous 55th to la reina. Te quiero muchísimo.”

Kahapon, proud na ibinahagi ni Sharon ang kanyang sumeseksi nang pigura habang naka-one piece swimsuit sa swimming pool.

Ipinagmalaki rin ni Sharon na size 10 na ang kanyang swimsuit dahil sa kanyang pagda-diet.

Aniya, ”Went swimming and had this picture taken today. Now my swimsuit is a size 10. I haven’t been a 10 in many years. My normal size when I was thin was 6 or 8 & I would panic na pag 8! Now to get to size 6 means I need to lose the last 20 lbs.”

Nauna rito, sa bahay din ng kanyang inang si Sharon nag-Pasko si KC na ibinahagi rin niya sa kanyang IG.

Post niya sa kanyang IG kasama ang picture nilang mag-ina  sa Christmas tree, “A quiet, peaceful, heartfelt Christmas with my Queen. Merry Christmas, Loves!”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …