“BACK in Manila, but i think I left my mind in Boracay.” Ito ang post ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram three days ago na tila nabitin sa kanyang bakasyon sa Boracay.
Kasama ang picture na seksing-seksi sa kanyang once piece swimsuit, kinuwestiyon ng dalaga kung bakit ba napakabilis ng araw. Ani Kathryn, ”How come time flies by so fast whenever we’re on vacay? Rewind please!”
Sa Boracay nag-celebrate ng holiday season si Kathryn kasama si Daniel Padilla at ang kani-kanilang pamilya.
Sa bakasyong iyon, maraming pictures ang ipinost si Kathryn sa kanyang IG account na bukod sa mga sexy pictures niya, kasama rin ang sweet photo nila ni DJ.
Sa mga sexy picture ni Kath, maraming netizens ang napa-wow dahil kitang-kita nga naman talaga ang kaseksihan nito suot ang iba’t ibang kulay at disenyo ng swimsuit. At lahat ng pictures, talaga namang marami ang nag-likes.
Isa sa pinakamaraming likes ang picture nilang dalawa ni DJ na yakap ng binate si Kathryn na nakasuot ng puting swimsuit habang ang background ay ang napakagandang dagat ng Bora. Nakakuha iyon ng 864,009 likes at may caption na,
“What was deej doing in this pic?
A Just giving me back hugs
B Covering his bodeh
C Covering my swimsuit
“Hmmmmmm. Tweet me your answers! Hahaha.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio