MARAMING boxers ang naghahangad makaharap si 8-division world champ-ion Manny Pacquiao.
Isa na rito ang bagong interim World Boxing Council (WBC) lightweight champion na si Ryan Garcia.
Maaaring ilang laban na lang at magreretiro na sa boksing ang Pambansang Kamao ng Filipinas, kaya naman bago mangyari ‘yun ay nais ni Garcia na makipagsapakan kay Pacquiao.
Inihayag ni Garcia na idolo niya si fighting senator Pacquiao at nais niyang makalaban bago magpasyang magretiro sa boxing.
Alam ni Garcia ang kalidad ng isang Manny Pacquiao kaya’t malaking karangalan kung makalaban niya ang legendary boxer sa ibabaw ng ring.
“My dream is, I beat Tank Davis and then I end up getting a chance to fight Manny Pacquiao before he gets to go because he’s one of my idols,” saad ni Garcia.
Pero sa rami ng nagha-hangad makalaban si Pacquiao ay baka hindi siya mapansin kaya’t mangangarap na lang muna.
Sariwa pa si Garcia sa seventh-round knockout win kay Luke Campbell ng Great Britain noong Enero 2 sa American Airlines Center sa Dallas Texas.
Nasilo niya ang bakanteng interim WBC belt.(ARABELA PRINCESS DAWA)