Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

16 yr old daughter ni Dimples, negosyante na

NOONG Pasko, may magandang aginaldong ipinagkaloob ang panganay na anak ng aktres na Dimples Romana at Papa Boyet na si Amanda o Callie.

Ayon sa sulat ni Callie, ”These rings, I hope, will signify to you guys, as it has for me, that no matter where we go, whether physical or not, even if Ma becomes the most famous actress or Dad the most acclaimed businessman and/or Vlogger, THAT EVERYTHING HAPPENED BECAUSE OF AND LEADS TO HOME.

“These rings have engravings of our very first house’s home number to remind us where all our dreams and goals were born.

“Callie anak, you are the greatest Christmas present of the heavens for us ”

Ang sweet, ‘di ba? And so touching.

Kabilang si Callie sa GenZee o tinatawag na Millennials. Sa edad na 16, at nasa grade 12, alam niyo bang isa ng negosyante ang teener na ito?

Nag-ugat ang naisip niyang negosyo sa madalas nilang pag-iikot sa bazaars ng kanyang dearest Mom.

Kaya madaling nakaisip ng konsepto si Callie. Mga bag na gawa sa rattan. Nabighani siya sa mga produktong nagmumula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, gaya ng Bicol.

Ang kaibigan ng Daddy Boyet niya ang nagbigay naman sa kanya ng numero ng pwedeng makatulong sa kanya sa sinimulang negosyo noong Pebrero.

Sa pag-usisa sa kanya sa isang panayam, nabanggit ni Callie na ang motibasyon niya sa sinimulang negosyo ay hindi lang para kumita ng pera.

“I wanted to help the community. I wanted to make it appealing to girls my age. I was always asked where did they come from or where was it made so, kailangan na maipaalam natin sa mga tao na these are our very own products.

“The rattan bags have such an appeal to me though before, ang nakikita natin were mostly circular bags appealing to Moms and Titas. Now, we designed handbags na pwede sa teenagers, too. 

“It makes me feel happy. When people choose to have these bags. Ako rin po ang nag-model. Mom naman lets me have my freedom.”

Soaring high na agad sa kanyang business ang bagets ni Dimples. At lalo pang tataas ang lipad nito sa sandaling matupad ang pangarap na maging isang piloto balang araw.

Inuulan ng kaliwa’t kanang suwerte sa buhay niya si Dimples.

A loving husband. Mga anak na masunurin at matatalino at masisipag magsipag-aral. A happy home. A very rewarding career.

Hindi naman na sikreto kung bakit ganito ang buwelta ng suwerte kay Dimples at sa kanyang pamilya. Bumabalik lang ang ibinabahagi nila sa mga tao sa paligid o buhay nila.

Tanging sila lang ‘ata sa showbiz ang nakita o nabalitaang nagregalo ng bahay at lupa sa kanilang kasambahay.

Siguradong lalawig pa ang online negosyong sinimulan ng kanyang hindi pa nga masasabing “teen” ager na si Callie!

Maging inspirasyon nawa siya sa maraming kabataan! Her @CalTheBrand.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …