IPINATIGIL ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng dagdag sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) member contributions upang maibsan ang kalbaryo ng mga mamamayan sa panahon ng CoVid-19 pandemic.
“There is a move to increase the contribution ng mga members,” ani President Duterte sa public address nitong Lunes.
“At this time of our life, may I just suggest to the PhilHealth chairman, si Dante Gierran at saka ‘yung si — lahat na — isang tao lang kailangan kong sabihan diyan. Huwag muna ngayon,” sabi niya sa public address kamakalawa ng gabi.
“No increase in contributions. I will look for the money to fill it up. Maghanap tayo ng pera. Anyway, that is the job of the government to make it easy for everybody at this time, I said, of our lives” aniya.
Nakatakdang magtaas ng 3.5 porsiyento ang PhilHealth contribution mula sa tatlong porsiyentong idinagdag noong nakalipas na taon.
(ROSE NOVENARIO)