SI Joseph Morong na ang bagong host ng Stand For Truth (SFT) simula ngayong January 4.
Sa teaser pa lang sa Facebook page ng SFT nitong Linggo na pinahulaan kung sino ang bagong host ng pioneering mobile journalism newscast, mainit na ang naging pagtanggap ng netizens kay Joseph. Well-deserved naman talaga ang veteran Kapuso reporter sa bagong hosting duties na ito.
Kilala si Joseph bilang isa sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps o ‘yung mga reporter na nagko-cover sa mga press briefing ng Malacanang. Tumatak din si Joseph sa mga manonood bilang isa sa mga kabatuhan ni Jessica Soho ng tanong kapag nagre-report siya sa State of the Nation. Naging kadikit din ng pangalan ni Joseph ang Fact or Fake dahil na rin sa online show na may same title na sinusuri niya kung ang isang news item ay fact or fake news. Marami ring followers si Joseph sa social media kaya naman swak na swak din siya sa online newscast ng Kapuso Network.
Mapapanood siya sa Stand For Truth tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes, 9:00 p.m. sa official Facebook page ng programa at sa GMA News and Public Affairs YouTube channel.
Congratulations, Joseph!
Rated R
ni Rommel Gonzales