Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gari Escobar, patuloy sa paghataw ngayong 2021

MARAMING plano ang talented na singer/composer na si Gari Escobar sa pagpasok ng taong 2021.

Bukod sa kanyang singing career, posibleng sumabak na rin siya sa pag-arte para magamit ang mga natutunan sa acting workshop na kanyang sinalihan.

Lahad niya, “Sa first half of the year, plano kong magsanay na rin sa teatro, pero kung kakain po ng malaking oras ay hindi po makakaya dahil sa business ko na hands on talaga ako.

“Kaya malamang po ay patuloy ako sa pag-attend ng workshops itong first half of the year at ‘pag nagkaroon na po ng tamang confidence ay malamang na tumanggap muna ako sa maiikling exposure sa TV at movie.”

Wika ni Gari, “Gusto ko rin makatulong sa ibang artists kaya may mga iniisip din kaming projects na may temang ala Live Aid po.”

Balak din ni Gari na sumabak sa acting at mag-produce ng pelikula bandang kalagitnaan ng taong 2021.

Samantala, ipinahayag ni Gari na ang na-postpone niyang Mga Hugot ng Puso virtual concert last December 30 ay posibleng this February na gawin.

Esplika ni Gari, “Bale, hindi po matutuloy ang virtual concert, kasi ‘yung isang band member po ay na-food poison, pati mga anak niya at asawa. Kaya ini-request nila na i-postpone ang concert.

“So, tentative po na baka gagawin na lang itong Valentine show, na tamang-tama po sa title niya. Siguro either February 14 or 21 po, inaayos pa ang venue.

“Ang plano po kasi ay kumuha ng magandang venue, kahit virtual lang,” sambit ni Gari.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …