HINDI lang sa Presidential Security Group (PSG) natuwa ang Palasyo na ilegal na tinurukan ng CoVid-19 vaccine, nagalak din ang Palasyo sa 100,000 Chinese nationals sa Filipinas na binakunahan na rin.
Isiniwalat ni anti-crime advocate Teresita Ang-See na may 100,000 Chinese workers ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs ang naturukan na ng CoVid-19 vaccines.
“Pero kung totoo man, ‘e ‘di mabuti — 100,000 less possible carriers of the coronavirus,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon sa Palace virtual press briefing.
Pero si Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana ay inihayag na aalamin niya kung may katotohanan ang ibinulgar ni Ang-See.
“We’ll see what we can find out,” ani Sta. Romana.
(ROSE NOVENARIO)