Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

2 tulak, hoyo sa P.4-M shabu

SWAK sa kulungan ang  dalawang tulak ng shabu makaraang maku­ha sa kanila ang mahigit P.4 milyon halaga ng shabu nang masakote sa mag­kahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Valenzuela City Police Chief Col. Fernando Ortega, dakong 8:00 pm nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Robin Santos laban kay Joel Casuple, alyas Belok, 41 anyos, malapit sa kanyang bahay sa Purok Orosco St., Mapulang Lupa.

Nang tanggapin ni Casuple ang P2,500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

Nakompiska sa suspek ang nasa 60 gramo ng shabu na tinatayang nasa P408,000 ang halaga, buy bust money, P2,000 bills, at cellphone.

Dakong 9:30 pm nang masunggaban din ng mga operatiba ng SDEU si Jovert Bugna, 33 anyos, residente sa Candido St., matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy bust operation sa Cunanan St., Mapulang Lupa.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Carlito Nerit, Jr., may hawak ng kaso, nakuha sa suspek ang nasa tatlong gramo ng shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, marked money, cellphone at P400 bills.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong pagla­bag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …