PAHIRAP ang 2020 dahil sa pag-atake ng coronavirus (COVID-19), apektado ang mga atleta dahil bukod sa naudlot ang mga sasalihan na events ay hindi sila makapag-ensayo.
Pero nakabuwenas si cue artist Dennis Orcollo sa pandemic kahit na-stranded ito sa America dahil sa lockdown kaya nanatili siya doon hanggang quarantine period dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na salihan ang mga billiards tournaments sa America at naharang niya ang mga katunggali.
Kahit matindi ang pinipinsala ng COVID-19 sa buong mundo ay naka-pokus si Orcollo sa kanyang mga laro kaya halos llahat ng sinalihan ay puwesto palagi sa top 3.
Sinunggaban ni Orcollo ang siyam na titulo habang nakatambay sa America, pinakamalaki ang prestihiyosong Derby City Classic 2020 Master of the Table title, ibinulsa niya ang $20,000.
Kumubra ng $16,000 top purse ang Pinoy cue master sa 9-Ball Banks Division ng Derby City Classic.
Nakaipon si Orcollo ng $83,530 na premyo ngayong taon sa sinalihang tournament kaya naman hinirang siyang Money Maker King award para sa taong 2020 sa inilabas na listahan ng Az Billiards.
(ARABELA PRINCESS DAWA)