Sunday , December 22 2024
gun QC

Ex-cop, itinumba ng 3 tandem sa QC

PATAY ang isang dating pulis matapos pagba­barilin ng anim na lalaking sakay ng tatlong motor­siklo sa lungsod ng Quezon nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) District Director, P/Brig. Gen. Danilo Macerin, kinilala ang pinaslang na si Rodolfo Aspril, 60, dating pulis at kasalukuyang Brgy. Ex-O ng Barangay Old Balara, QC.

Ayon kay Batasan Police Station 6 commander, P/Lt. Col Romulus Gadaoni, dakong 6:45 pm nang maganap ang insidente sa Commonwealth Ave., Brgy. Old Balara QC.

Sakay ng motorsiklo ang biktima kasama si Lea Ross at papauwi nang pagbabarilin siya ng mga suspek. Hindi nasugatan si Ross.

Makaraan ang pamamaril, tinangay sa pagtakas ng mga suspek ang motorsiklo ni Aspril.

Narekober mula sa lugar ng krimen ang walong basyo ng bala ng kalibre .45.

Ipinag-utos ni Macerin ang malaliman imbestigasyon sa motibo ng krimen at pagtukoy sa mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *