Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, hinulaang ikakasal, 7 mos or 7 yrs from now

“HINDI ba ako ikakasal? Ay hindi ang tanong, ikakasal pa ba ako?” Ito agad ang itinanong ni Bea Alonzo sa tarot reader na si Niki Vizcarra sa kalagitnaan ng panghuhula sa kanya na ipinakita sa kanyang vlog.

Sagot ni Niki, ”Later on pa nga. Civil muna. Hindi ka sa Church sa una. Medyo hidden lang. Either seven months from now or seven years from now”

Baling naman ni Bea, ”Seven months? Hindi pwede may trabaho ako. Seven years naman ang tagal. Ang tanda ko na niyon.” 

Pero paniniyak ni Niki,”Pero bongga naman ang marriage life mo after. Kasi if you’ll be married now, my chances kang mag-separate kasi.” 

Sa card ay may nakitang putting buhok ng lalaki kaya naman naitanong ni Bea kung matanda na ba iyong sinasabing magiging dyowa niya.

Ani Niki: ”Mature na kasi siya mag-isip. Love lies true.”

Nabasa rin sa card na posibleng magka-anak ng babae at lalaki ang aktres.

Bukod dito, nahulaan ding magiging bongga ang personal na buhay at career ni Bea ngayong 2021. Maraming projects na gagawin ang aktres kaya marami ring pera ang papasok sa kanya.

Kinompirma naman ni Bea na tatlong pelikula nga ang gagawin niya this year. ”I will be doing three movies in fact, until June. And I’m glad that I can share it with you.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …